Kailangan nga ba natin ng space agency?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - June 9, 2019 - 12:00am

MUKHANG sumusulong na sa Kongreso ang panukalang batas na magtatatag ng space agency ng Pilipinas na katulad ng National Aeronautics Space Administration (NASA) ng America. Aprubado na sa Senado noong nakaraang buwan ang Philippine Space Act na sariling bersiyon nito sa Philippine Space Development Act na naunang pinagtibay ng House of Representatives. Dadaan na lang ito sa bicameral conference committee bago isumite sa Malacañang at pirmahan ni President Duterte para maging ganap na batas.

Gayunman, sa kabila ng mga inaaning papuri at batikos ng ganitong panukala, hindi naman tungkol lang sa mga astronaut,  pagpapalipad ng rocket o spaceship, pagpunta sa buwan o pagtatayo ng kolonya ng tao sa  planetang Mars o ibang planeta o paghahanap ng mga nabubuhay na Alien sa universe ang pagbubuo ng isang space agency.  Marami pa itong ibang mga gawain na sinasabing malaking pakinabang sa ating bansa.

Tulad ng sinasabi ng ilan sa mga awtor ng House version at Senate version ng batas na sina Albay Rep. Joey Salceda at Senador Bam Aquino, sadyang kailangan na ang panukalang ahensiya dahil “mahalaga ito  sa pangangalaga sa soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa, bukod sa lalong palalaguin nito ang saloobing makabayan ng mga Pilipino.”

Ipinapaliwanag naman ni Aquino na sa paglulunsad ng space program ng Pilipinas ay mapapabuti ang disaster management sa pamamagitan ng satellite monitoring. Mapag-iibayo rin aniya rito ang production at profitability ng negosyong agricultural, tutulong na mapangalagaan at mapreserba ang kapaligiran at mapahusay ang urban planning at communication network.

Ayon sa plano, magkakaroon ng 30 ektaryang lupain ang  Philippine Space Agency sa loob ng Clark Special Economic Zone sa Pampanga at Tarlac kung saan itatatag ang nga tanggapan at ‘research facilities’ nito bukod sa iba pang lugar kung kailangan.

      Hindi nga lang malinaw pero maaari at hindi malayong magiging bahagi rin sa hinaharap sa magiging gawain ng ahensiyang ito ang hinggil sa mga space exploration. Maaaring matagalan pa bago ito mangyari pero isa nang magandang panimula para hindi mapag-iwanan ang Pilipinas pagdating sa usapin ng space program na matagalan nang sumusulong sa ibang mga bansa.

-oooooo-

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-send sa rbernardo2001@hotmail)

SPACE AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with