^

Punto Mo

NBI, na ‘wow mali’ sa Silawan case!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MALIWANAG pa sa sikat ng araw na na-‘‘wow mali’ ang agents ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Christine Lee Silawan. At kung nagkamali sila sa Silawan case maaring mayroon pang mali ang NBI sa iba pang mga kaso na hawak nila, di ba mga kosa? Dinampot kasi ng NBI ang 17-anyos na boyfriend ni Silawan ilang araw matapos matagpuan ang bangkay nito sa Lapu-Lapu City sa Cebu at ginawang suspect.

Ang basehan ng NBI ay ang video footage na nakuha sa labas ng simbahan kung saan part-time worker si Silawan. May mga testigo ang NBI na ang lalaki ay ang dating boyfriend, na nag-deny to death naman at ang alibi ay naglalaro siya ng basketball nang mangyari ang krimen noong Marso 10. Siyempre, maraming testigo ang nagpapatunay nito, pati na ang landlady ng boyfriend. Subalit, armado ng search warrant, ni-raid ng NBI ang bahay nito at kinumpiska ang kung anu-anong bagay na wala namang kinalaman sa kaso.

Araguuyyy! Ang suspect ay nai-turnover sa custody ng DSWD subalit iniutos ng prosecutor’s office na pakawalan ito dahil ni isang testigo ay walang lumutang para patunayan na s’ya nga ang kasama ng biktima sa video. Hak hak hak! Ano ba itong NBI, walong taon sa kolehiyo subalit padalus-dalos kung mag-imbestiga, kaya hayun na-“wow mali” tuloy. Anong say mo NBI director Dante Gierran Sir? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung circumstancial evidence lang ang hawak ng NBI laban sa boyfriend, ganundin naman ang hawak ng PRO7 na umaresto kay Renato Payupan Llenes, 42. Kaya lang si Llenes ay may extra-judicial confession kung saan inilahad niya kung paano n’ya pinatay si Silawan, at binalatan ang mukha para di makilala. Maging ang live-in partner ni Llenes ay tumestigo na umamin ito sa kanya sa ginawa niyang krimen. Kinuha rin ni Llenes ang bag ni Silawan at itinapon ang mga laman nito na hindi naman narekober ng pulisya.

May mga testigo rin ang mga PRO7 na si Llenes ang lalaking kasama ni Silawan sa video. Palipat-lipat ng lugar itong si Llenes subalit nasakote noong Abril 9 sa Bgy. Bankal ng mga tauhan ni Col. Lemuel Obon, ang hepe ng Lapu-Lapu City police. Araguuyyy! Sa ginanap na re-enactment, ipinakita at isinalaysay ni Llenes kung paano n’ya kinaibigan, nilansi at pinatay si Silawan. Kaya nakumbinsi ang prosecutor’s office ng Lapu-Lapu City na mas may kredibilidad na kasuhan ng murder si Llenes at walang kinalaman sa kaso ang kanyang boyfriend. Araguuyyy! Hak hak hak! Bumawi na lang sa ibang kaso ang NBI, di ba mga kosa?

Sa kanyang salaysay sa harap ng kanyang abogado, sinabi ni Llenes na nakilala n’ya si Silawan sa Facebook kung saan mayroon siyang halos tatlong dummy account. Noong Marso 10, napagkasunduan nilang mag-eyeball subalit nadismaya si Silawan dahil matanda na pala siya at nagalit si Llenes dahil tinatakbuhan siya ng biktima. Nagkaroon ng mainitang sagutan hanggang sa humantong sa pag-atake ni Llenes kay Silawan hanggang matapay n’ya ang tinedyer. Dapat mag-ingat na ang mga bataan ni Gierran sa paghawak nila ng kaso at iwasan ang “wow mali” dahil nadudungisan nito ang magandang imahe ng NBI. Abangan!

vuukle comment

SILAWAN CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with