^

Punto Mo

Utol (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NATUWA ako sa pagdating ni Gina para masaksihan ang pagdadala sa huling hantungan ni Papa. Sa totoo lang, naging magaan ang loob ko kay Gina sapagkat nagpakita siya ng wagas na pakikiramay. Napakabuting kaibigan ni Gina.

“Sa pagkakataong ‘yun, marami pa palang isisiwalat si Gina ukol kay Teth. Hindi ko akalain ang mga sasabihin pa niya na lalo pang nagpalusaw sa pagmamahal ko kay Teth.

“Tuloy-tuloy daw ang pagkakaroon ng relasyon nina Teth at Ted. Talagang wala na raw kahihiyan ang dalawa at lantaran na ang maling relasyon. Nalaman daw ni Gina na babalik na sa States si Ted pero muli raw babalik para kay Teth. Ang turing na raw ng mga ito sa isa’t isa at mag-asawa na.

“Tinanong ko si Gina kung mayroon siyang nakikitang mga kamag-anak ni Teth na dumadalaw dun. Wala raw. Siguro raw ay patuloy na naililihim ang bawal nilang relasyon.

“Hanggang isang araw daw, bago nagtungo si Gina sa burol ni Papa, nalaman niya na paalis na sa boarding house si Teth. Nalaman niya iyon sa caretaker ng boarding house. Ayon sa caretaker, pauwi na raw sa probinsiya si Teth. Maliban dun ay wala nang nasabi ang caretaker.’’

Doon natapos ang pagkukuwento ni Gerald.

“Nasaan na kaya si Teth, Utol?’’

“Wala na akong alam. Wala na rin akong pakialam,” sagot ko.

“Napakagulo ng buhay niya ano?’’

“Kakadiri kamo, Xander.’’

“Magpinsan pero sila ang nagkagustuhan. Anong klaseng babae si Teth?’’

Napailing-iling si Gerald.

Hanggang may naisip si Xander.

“Teka, Utol, nasaan na si Gina?’’

Nag-isip si Gerald. Oo nga nasaan na si Gina?

(Itutuloy)

UTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with