Flight na papuntang Germany, lumanding sa Scotland matapos maligaw ang eroplano
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 28, 2019 - 12:00am

NALITO ang mga pasahero ng isang flight ng British Airways mula London na papuntang Germany nang malaman na lang nilang sa Scotland sila lumanding.

Nag-take off nito lamang Lunes ng umaga ang flight ng British Airways mula sa City Airport sa London.

Papalipad dapat ito ng Dusseldorf, Germany pero dahil sa maling flight plan na ibinigay, inakala ng mga piloto at crew nito na papunta silang Edinburgh, Scotland.

Ayon sa isa sa mga pasaherong si Zsofia Szabo, napansin na raw niyang may mali sa kanilang flight nang makita niya ang tanawin habang papalapag na ang kanilang eroplano.

Iba raw kasi ang itsura ng kapaligiran mula sa alam niyang itsura ng Germany ngunit inakala niyang nagkaroon lang sila ng sandaling detour.

 Humingi naman daw kaagad ng paumanhin ang flight crew nang madiskubre nila ang kanilang pagkakamali.

Nagtawanan pa raw ang lahat ng sabihin ng isang flight attendant na magtaas ng kamay ang mga papuntang Germany, dahil lahat pala ng pasahero ng eroplano ay doon naman talaga papunta.

Nagpaliwanag naman ang kapitan na papunta na rin sila sa kanilang tamang destinasyon matapos mag-refuel ang eroplano.

Ayon naman sa isang tagapagsalita ng airline, humingi na sila ng paumanhin sa mga pasahero at isa-isa raw nilang kokontakin ang mga ito ukol sa nangyaring aberya.

GERMANY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with