EDITORYAL - Ituro sa mga bata ang masamang dulot ng droga
(Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

PLANO ng gobyerno na ma-educate ang mga bata ukol sa masamang dulot ng illegal drugs at kung paano ito maiiwasan. Sisimulan ang pag-educate sa mga batang nasa kindergarten hanggang Grade 12.

Ayon sa gobyerno, mahalagang malaman ng mga bata ang masamang dulot nang paggamit ng ilegal na droga at ang mga paraan kung paano makakaiwas dito. Isasakatuparan umano ang planong ito sa lalong madaling panahon at ang mga tanggapang manga­ngasiwa ay ang Department of Health (DOH) at ang Department of Education (DepEd). Magtutulungan ang dalawa para masigurong wala nang magiging drug dependent o ‘di kaya naman ay supplier ng ilegal na droga sa darating na panahon.

Makabuluhan ang planong ito ng pamahalaan at maaaring dito na magsisimula ang pagkamuhi nang mga susunod na henerasyon sa ipinagbabawal na droga. Sa pamamagitan nang pagtuturo sa mga bata ng kasamaang dulot ng droga, matatanim sa kanilang isipan na hindi nga ito ang solusyon para malimutan ang problema at hindi nararapat gamitin sapagkat sisirain lamang ang kinabukasan. Walang magandang idudulot ang bawal na gamot sa buhay kaya nararapat itong iwasan.

Nararapat paghandaan ng DOH at DepEd ang drug education sa mga bata. Nararapat na kumuha sila ng mga ekspertong magtuturo sa mga bata para ganap na maipaunawa ang masamang dulot ng droga. Dapat din na mag-hire ng mahuhusay na health professionals para maipaliwanag ang mga sakit na nakukuha sa pagdodroga. Sa mahusay na pagtuturo, tiyak na maitatanim sa mga bata ang lahat nang kaalaman kung bakit dapat iwasan ang ilegal na droga.

Ang pag-educate sa mga kabataan ukol sa droga ang mas epektibong paraan para malutas ang problema sa bansa. Mas maganda ito kaysa magbilang ng bangkay ng drug pushers o users na napapatay sa police operations. Makakatulong din naman ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak para lubusang makaiwas sa bawal na droga.

DEPARTMENT OF EDUCATION ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with