Mga buwaya, may kakayahang umakyat sa punongkahoy

HINDI lamang mga unggoy ang kayang manirahan sa itaas ng punongkahoy, kaya rin ng mga buwaya. May kakayahan silang umakyat sa puno.

Natuklasan kamakailan  ng mga scientist na ang mga buwaya ay may kakayahang umakyat sa puno at doon mamalagi. Nananatili umano sa mga sanga ang buwaya na walang ipinagkaiba sa mga unggoy at ibon.

Ayon sa mga scientist, kayang-kaya ng buwaya na kumapit sa katawan ng puno at magpalipat-lipat sa mga sanga. Umano’y nakararating sa taas na 32 feet ang buwaya.

Para mapatunayan ng mga scientist na nakaaak-yat nga sa puno ang mga buwaya, nagsagawa sila ng imbestigasyon. Nagtungo ang team sa kagubatan ng Florida at Australia at nakita nila roon ang mga buwaya na nasa mga sanga ng puno.
Ayon pa sa pag-aaral, mas mabilis umakyat ang mga maliliit na buwaya sa puno. Sa Nile River sa Africa, karaniwan na lamang tanawin doon na ang mga buwaya ay nasa itaas ng puno.

Sabi ng mga scientist, nakakatulong sa buwaya ang pag-akyat sa puno dahil nagre-regulate ito ng kanilang body temperature.

Show comments