Pinakamalaking maze na gawa sa snow, itinayo ng pamilya sa Canada
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 9, 2019 - 12:00am

ISANG pamilya sa Canada ang umaasang makukuha nila ang Guinness World Record para sa pinakamalaking snow maze sa mundo.

Sinimulang itayo ng pamilya Masse ang dambuhalang maze noon pang Disyembre.

Ayon sa padre de pamilya na si Clint Masse, siyam daw ng kanyang pamilya ang kanyang katuwang sa pagtatayo ng maze, na inabot ng tatlong linggo para mabuo.

Binuo nila ang maze gamit ang humigit-kumulang 300 truck na punumpuno ng snow. Sa huli ay nakapagtayo sila ng 1,300 metro ng pader na gawa sa snow.

Ayaw namang ilantad ni Masse ang eksaktong lawak ng maze bukod sa pagsasabing higit ito sa 2,300 square meters. Gusto niya kasing masigurado na mahihigitan nila ang kasalukuyang world record holder na matatagpuan din sa Canada.

Sa sobrang laki ng maze ay aabutin din daw ng 45 minuto hanggang isang oras bago makalabas sa maze, dagdag pa ni Masse.

Nakatakdang sukatin ng mga kinatawan ng Guinness ang maze sa Pebrero at inaasahan namang mananatiling bukas ito sa publiko hanggang Marso kung magpapatuloy ang taglamig sa buwan na iyon.

CLINT MASSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with