^

Punto Mo

3,202 push-ups, ginawa ng 5-anyos mula Chechnya

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bata mula Chechnya na binansagang “five-year-old Schwarzenegger’’ ang nakapagtala ng anim na world records matapos niyang makumpleto ang isang marathon session ng 3,202 sunud-sunod na push-ups.

Nagawa ni Rakhim Kurayev na makapag push-ups ng 1,000 beses sa loob lamang ng 40 minuto at 57 segundo at 2,000 push-ups naman sa loob ng 1 oras at 30 minuto upang siya’y makapasok sa record books.

Matapos niyang gawin ito ay mismong ang pinuno ng Chechnya na si Ramzan Kadyrov ang bumati sa kanya. Si Kadyrov rin ang nagsabit Kay Kurayev ng medalya.

Ngunit hindi lang medalya ang nakamit ni Kurayev mula sa pinuno ng Chechnya dahil niregaluhan din siya ni Kadyrov ng Mercedes Benz.

Binigyan din ni Kadyrov ang limang taong gulang na bata ng pagkakataon na bumisita sa isang malaking toyshop at bilhin ang anumang laruan na kanyang gusto.

Pinili ni Kurayev ang isang laruang kotse upang idagdag sa kanyang totoong Mercedes Benz.

vuukle comment

CHECHNYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with