^

Punto Mo

Matandang Tinali (206)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAMANG tao si ­Joemari at wala nang puwang para kaawaan!

Iyon ang nasa isipan ni Dong ngayong malaman niya mula kay Dolfo na nakatakas sa raid ng PDEA si Joemari. At malakas ang kutob niya na kaya ito nagpilit tumakas ay para magantihan si Joy.

Hindi siya makakapayag na muling saktan ni Joemari si Joy. Marami nang dinanas si Joy sa kamay ng hayop at hindi na siya papayag na mangyari uli iyon. Nagkasakit nang malubha si Joy noon dahil sa hayop. ­Awang-awa siya sa kasintahan. Ngayon, sisiguruhin niyang hindi makakalapit si Joemari kay Joy.

Kung nakaligtas si ­Joemari sa PDEA, sa kanya ay hindi na ito makakaligtas. Titiyakin niyang mamamatay si Joemari. Hindi siya dapat mabuhay!

“Ano ang iniisip mo, Dong?’’ tanong ni Joy na halatang nangangamba sa pagkakatakas ni Joemari.

“Nag-iisip ako ng paraan para mahuli na ang taong nagpapahirap sa atin. Sa pagkakataong ito, gusto ko matapos na siya.’’

“Diyos ko anong gagawin natin?”

“Huwag kang mangamba, Joy. Relaks ka lang.’’

“Armado raw ang taong yun.’’

“Oo. Suicidal na nga raw.’’

“Ano ang naiisip mo, Dong.”

“Bibitagin ko rin siya. Natatandaan mo ang nangyari kay Dolfo? Di ba nahulog siya sa hukay na ginawa ko. Ganundin ang gagawin ko.’’

“Paano kung hindi siya mabitag? Tuso at mautak yun. Nag-iisip bago kumilos.’’

“Hindi sa lahat nang pagkakataon, magagamit ang kanyang katusuhan. Iyon ang magbabagsak sa kanya.’’

“Sana matapos na siya, Dong.’’

“Titiyakin ko, Joy.’’

NANG mga sandaling iyon, nasa kakahuyan na si Joemari. Desidido nang hanapin sina Joy at Dong.

(Itutuloy)

MATANDANG TINALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with