^

Punto Mo

Ang Beki

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

FAVORITE expression niya ang Bahala na ang Diyos sa akin. Oo, okey ang ganoong attitude na ipinababahala mo ang iyong buhay sa ating Panginoong Diyos. Magandang attitude iyon kung nagawa mo na ang lahat ng pagsisikap ngunit hindi ka nagtagumpay. O, kaya ay wala nang lunas ang iyong mga problema kundi himala na lang ng Diyos.

Noong kabataan niya ay malaki ang kanyang kinikita. Natural, siya ang takbuhan ng kanyang mga kapatid na mahihirap. Okey naman siyang hingan ng tulong. Kaya lang, nang magladlad na siya ng tunay na katauhan at natutong manlalaki ay naging maramot na siya sa mga kapatid. Minsan, magbibigay nga ng pera pero ano ang kapalit? Mga mura na hindi mo paniniwalaang nanggaling sa bibig ng kapatid.

Naging maramot na siya sa mga kapatid simula nang magkaroon siya ng mga poging “scholar”. Actually, hindi scholar na pinag-aaral as in estudyante. “Scholar” as in binubuhay na lalaki. Scholar ang tawag dahil ang laging idinadahilan ng mga lalaki kapag humihingi ng pera sa kanya ay ipang-eenrol daw. Alam niyang hindi totoo pero nagkukunwari siyang naniniwala sa mga sinasabi ng boylet niya.

Ngayon ay may sakit na siya. Wala na ang mga lalaking pinagtapunan niya ng kanyang perang pinaghirapan. Ni singkong duling ay hindi siya nag-ipon. Kapag magsasalita siya ng kanyang favorite expression na: Bahala na ang Diyos  ay parang unfair naman sa Diyos. Binigyan siya noon ng pagkakataong kumita ngunit hindi siya nag-ipon. Inubos niya ang kanyang pera sa panlalalaki. Tapos ngayong naghihirap siya ay iaasa niya ang kanyang buhay sa Diyos. That’s unfair! Para bang…sige uubusin ko ang aking pera sa mga lalaki, tutal nariyan naman ang Diyos para tumulong sa akin pag wala na akong pera.

Nangangailangan siya ngayon ng pera para sa isang operasyon. Ang mga kapatid niya na madalas murahin kapag nanghihingi sa kanya ng pera ay nagsikap at umasenso ang buhay. Ang mga ito ngayon ang gagastos sa kanyang operasyon. Sa pagkakataong ito’y hindi lang siya naging unfair sa Diyos kundi pati sa mga kapatid. Ngayong wala na siyang pera at mahina na ay iaasa niya ang kanyang buhay sa mga kapatid na tinarayan at pinagdamutan niya noon. Tuwing nakikita ko siya, napapabulong na lang ako ng “Ang baklang toh!”             

vuukle comment

EXPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with