^

Punto Mo

PNPA dehado sa PMA?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

ITINATAG ang Philippine National Police Academy sa ilalim ng Marcos Administration noong August 26, 1977 sa layuning maiangat ang antas ng kapulisan na  noo’y nasa pagpapala lamang ng mga Mayor at ang pambansang pulisya ay ang Philippine Constabulary na sangay ng militar. Kasama sa nag-drawing at namumo sa PC-INP si former Pres. Fidel Ramos na produkto ng West Point Academy sa US.

Noon lamang January 29, 1991 itinatag ang PNP, at ang unang namuno ay si Gen. Cesar Nazareno at nasundan pa ng 20 heneral bago pa maluklok ang ngayon ay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde.

Nasa ilalim ng pagpapala ng DILG at Napolcom ang PNPAers kaya pang-chief of police na may ranggong one star general lang talaga ang maaring asahan ng mga produkto ng PNPA kung ganun?

Hindi maialis na pagkumparahin ang produkto ng PMA at PNPA, gayung ang dalawang akademya ay may kanya-kanyang academic at training  standard at sigurado namang magkawangis ang dignidad na ipinupundar kahit lamang ang PMA sa kalidad.

Ang imahe ng PNP sa ngayon ay nababahiran ng putik dahil sa mga pasaway na pulis na ang karamihan ay nagtapos ng criminology sa iba’t ibang unibersidad na ang karamihan ay nasa superbisyon ng PNPAers. Ah! Ganun?

Bihira sa produkto ng PNPA ang nakakahawak ng sopistikadong posisyon sa PNP, gayung marami naman ang kuwalipikadong opisyal na produkto ng akademya.  Nangangailangan pang kumuha ng padrino at bendisyon para maging chief of police ang produkto ng Camp Castañeda sa Silang, Cavite. Ano sa palagay n’yo?

• • • • • •

Pahamak na mga pwe-ewan!

Mga bagito pero asal beterano na sa kalokohan ang mga kapapasok pa lamang sa pagiging pulis ay halos dominado na ng mga loko ang masangkot sa iba’t ibang krimen gayung wala pang asim at wala pang dekorasyon ang mga dibdib ng mga ito bilang law enforcers ay nauna pang maging  kriminal ang mga kumag.

Ano nga ba naman ang alam ng mga bagong pulis na kalalabas lang sa training camp na may ranggong PO1, kundi ang basic police responsibility  lamang, pero nagpapakalunod sa kapirasong kapangyarihan  na nasa likod ng tsapa. Marami na ang mga sumabit sa kidnapping, holdap, sexual abuse, extortion at drug pushing na mga PO1 pa lamang, kaya papaano mapo-promote ang immediate superior nila na PNPAer kung piniperwisyo nila? Aruy!

Nagtatanong ang taumbayan kung saan nag-training at sino ang trainors ng mga lokong pwe-ewan? Ayun oh!

• • • • • •

SAF lang ang ipinagmamalaki

Marami naman sa PNP ang matitino at may kakayahang mamuno, kaya lang, nauunahan ng katusuhan ng bad eggs o scalawags ang institusyon. Ang kabayanihang naipakita ng SAF 44 ang magpapatunay na ka-level din ng mga sundalo ang kakayahan ng kapulisan. Sayang nga lamang at mabagal lumago ang lahi ng matatapang at tapat sa tungkulin. Shalom!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with