^

Punto Mo

Employees at pamunuan ng Komeya, nagharap na!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUNG kayo’y masugid na tagasubaybay ng aming programang BITAG-Kilos Pronto, maaalala n’yo ‘yung dating mga empleyado ng Komeya na lumapit sa amin noon.

Reklamo nila, tinanggal daw umano sila sa trabaho ng walang tamang proseso. Ang rason ng kanilang kompanya, hindi raw sila maayos magtrabaho kaya sapilitan silang pinagpapasa ng resignation letter.

Matapos mapanood ng Komeya ang reklamo ng mga manggagawa, tumawag sila sa BITAG-Kilos Pronto at nagsabing handa silang sagutin ang reklamo. In fairness sa kompanya, na-appreciate namin ito.

Para sa patas na serbisyo publiko, inimbitahan namin sila sa aming studio, live at agad namang humarap ang HR at General Manager ng Komeya.

Face to face, naghayag ng reklamo ang mga manggagawa, sinagot naman ng Komeya ang mga paratang. Maiging napapakinggan ang dalawang panig, tumayo kaming tagapamagitan sa puntong ito.

Halos maubos ang isang oras na programa ng BITAG-KP online sa pagsasagutan ng dalawa. Dahil hindi maawat, hiningi namin ang tulong ng National Labor Relations Commission (NLRC). Nakatakda ang kanilang paghaharap ngayong linggong ito. 

Kung ako ang tatanungin at base sa imbestigasyon ng BITAG-KP mayroon talagang hindi patas sa sitwasyon. Hindi rin ako sang-ayon sa pamamaraan ng Komeya sa pagtrato ng kanilang mga manggagawa.

Lilinawin ko, hindi ako anti-business. Katulad nga ng adbokasiya ng BITAG, ayaw naming may inaapi, sinasaktan, tinatakot, pinagmamalupitan, niloloko at nilalamangan.

Hindi nagbibigay ng pinal na desisyon ang BITAG-KP, may ahensiya ng gobyernong mas nakaaalam at may otoridad na ipatupad ang batas.

Bagama’t naipasa na namin sa NLRC ang reklamong ito, hindi ibig sabihin ay tapos na rin ang aming trabaho. Tututukan pa rin ng BITAG-KP ang sumbong na ito hanggang lumabas ang katotohanan at maipatupad ang hustisya.

vuukle comment

KOMEYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with