Date sa Ayala
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - May 27, 2018 - 12:00am

Baha sa Buendia abot sa Ayala

kaya gayon na lang ang aking pangamba

Na hindi darating ang mahal kong sinta

sa aming usapang doon magkikita!

 

Hindi humihinto ang patak ng ulan

kaya basa na rin paa ko’t katawan;

Baha na sa Buendia walang madaluyan

kaya tumataas tubig sa lansangan!

 

Dahil sa mahal ko ang mutyang ka-date

sa pagkakatayo’y hindi umaalis;

Siya ay dumating sa aki’y kumapit

at naglakad kami sa kalyeng maputik!

 

Nakasapit kami sa aming tahanan

kahit kapwa basa maligaya naman;

Yaon ay panahong kami’y bagong kasal

sa Greenbelt Chapel kami’y nagdarasal!

AYALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with