Kontra Amerika
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - May 20, 2018 - 12:00am

Marami sa ating mga mamamayan

Laging nagra-rally sa mga lansangan;

Sila’y tumututol na tayo’y tulungan

Ng American forces sa bagong labanan!

 

Sana’y huwag mangyaring tayo ay lusubin

Ng pwersang malakas sa armas at galing;

Sa totoo lamang, itong bansa natin

Ay walang magagawa kahit na sa lasing!

 

Kung tayo’y digmain ng mga kalaban

Anong magagawa ng ating militar?

Kokonti ang ating sundalong katihan

At kulang sa armas itong ating bayan!

 

Kaya huwag sanang ang ating publiko

Huwag nang kumilos kontra Amerikano;

Ang dapat hangarin ay lumakas tayo

Na kayang labanan kalabang dayo!

KONTRA AMERIKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with