^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming ‘junk bus’ na yumayaot

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming �junk bus� na yumayaot

HINDI lang ang bumaliktad na Dimple Star Bus sa Sablayan, Occ. Mindoro noong Marso 20 ang nanggaling sa junk shop kundi marami pa. At ito ang nararapat na tukuyin ng Land Transportation, Franchise and Regulatory Board (LTFRB). Kapag hindi kumilos ang LTFRB sa mga “junk bus”, mauulit ang mga malalagim na aksidente sa kalsada. Kawawa ang mga pasahero. Labingsiyam ang namatay sa Dimple Star.

Inamin ng may-ari ng Dimple Star a nabili lang niya sa junkshop ang bus. Pawang chop-chop umano ang mga parts nito. Pagkaraang mabuo ang bus, nilinis nila at saka pininturahan at mukha nang bago. Ayon sa may-ari ng Dimple Star na si Hilbert Napat, noong 2009 nila nabili ang bus at ipinasada na nila sa probinsiya makaraang mabigyan ng road worthy certificate ng Land Transportation Office (LTO) at naisyuhan ng plate number TYU-708.

Humarap si Napat sa pagdinig na ipinatawag ng LTFRB kaugnay sa malagim na aksidente. Nahulog at bumaliktad ang bus sa isang ginagawang tulay sa Sablayan. Ayon sa report, nawalan ito ng preno. Ayon sa survivors, mabilis ang takbo ng bus sa kurbadang portion nang ginagawang tulay. Kasamang namatay ang driver at konduktor.

Marami pang bus na junk ang yumayaot sa Metro at sa mga probinsiya. Mapapansin na ang mga bumibiyaheng bus sa EDSA ay pawang tagpi-tagpi at tila malalaglag na ang makina sa likuran. Sa kabila nito, ipinapasada pa rin at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Mayroong kalbo na ang mga gulong pero ipinapasada pa rin.

Sisihin ang LTFRB kung bakit nabibigyan ng prankisa ang mga junk na gaya ng Dimple Star. Nalagyan ang LTFRB? Bakit pinayagan ng LTO na mairehistro ang Dimple Star gayung uugud-ugod na. Panawagan sa LTFRB, huwag nang hayaang may mga junk bus na mawalan ng preno at kumitil ng mga buhay. Walisin ang mga ito sa kalye.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with