^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Burakay’

Pang-masa
EDITORYAL - âBurakayâ

KAPAG nagpatuloy ang pagdudumi sa karagatan na nakapaligid sa isla ng Boracay, maaaring tawagin na itong “Burakay”. Ang salitang ugat ng “Burakay” ay burak. At ang ibig sabihin ng “burak” ay mabahong putik. Kapag humalo ang mabahong putik o “burak” sa dagat, mangingitim ang tubig. Makokontamina ito. At sa dakong huli, wala nang turistang magtutungo sa Boracay. Ano pa ang gagawin sa isla na pawang “burak” ang lalanguyan? Pag-ahon sa dagat ng “burak” hindi kaaya-aya ang amoy.

Marumi ang dagat sa Boracay at maski si Pres. Rodrigo Duterte ay alam na ito. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na ang Boracay ay nagiging “cesspool”. Ang kahulugan ng “cesspool” ay septic tank o poso-negro. Kaya malinaw na ang pagtingin niya ngayon sa Boracay ay isang poso-negro. Nagbanta si Duterte na ipasasara niya ang Boracay sa turismo kapag hindi ito nalinis. Hindi raw siya magdadalawang-isip sapagkat nakakahiya na ang isang magandang isla ay marumi at hindi na nagiging kaaya-aya. Inatasan niya si Environment Secretary Roy Cimatu na linisin sa loob ng anim na buwan ang Boracay at kapag hindi ito nagawa, ipasasara niya.

Ang Boracay ay isa sa mga lugar sa bansa na tinutungo ng mga turista tuwing summer. At ngayong malapit na ang summer months, tiyak na marami na namang turista ang dadagsa. Mapupuno na naman ang mga resorts at hotel doon. At paano kung hindi agad maisagawa ang paglilinis? Baka magalit ang Presidente ay ipasara ito. Malaking pera ang mawawala sa turismo kapag nagkaganito. Marami ring mawawalan ng hanapbuhay kapag isinara ang Boracay.

Dapat mag-double time si Cimatu at agarang ipalinis ang Boracay. Magkaroon din siya ng kamay na bakal sa mga resort owners at iba pang establishments na huwag sa dagat itapon ang kanilang mga dumi. Umano’y maraming establishments ang walang mahusay na imbakan ng kanilang dumi kaya sa dagat na lamang itinatapon.

Yak!

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with