^

Punto Mo

6 natural na panlunas sa sakit ng ulo

Pang-masa

1. Kumuha ng dalawang patak ng thyme or rosemary essential oil. Ito ang ihilot sa sintido at noo. Mas mainam na siguraduhin na ang oil ay safe gamitin sa balat. Ang oil ay may carvacrol na nagtatanggal ng sakit kagaya ng gamot na Ibufrofen.

2. Uminom ng magnesium supplement. Magtanong muna sa doktor dahil may taong nagtatae sa magnesium. Minsan ay kulang ng magnesium ang katawan kaya sumasakit ang ulo. O, kaya  kumain ng pagkaing mayaman sa magnesium kagaya ng buto ng kalabasa, mackerel, dark chocolate, dried figs.

3. Uminom ng vitamin B2.

4. Uminom ng salabat. Pakuluin ng 2 minuto ang 2 tasang tubig kasama ang medium size luya na ginayat ng maninipis sa loob ng 2 minuto. Hayaang nakababad ang luya ng 30 minuto. Tanggalin ang luya saka inumin ang salabat.

5. Uminom ng chamomile tea.

6. Footbath gamit ang essential oil. Maglagay ng maligamgam na tubig sa palanggana kung saan kasya ang dalawa mong paa. Ihalo sa tubig ang 2 drops na essential oil ng alinman sa mga sumusunod: peppermint or lavender oil. Dito ibabad ang mga paa hanggang sa guminhawa ang pakiramdam.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with