^

Punto Mo

Tamang oras ng ehersisyo

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ANO nga ba ang tamang oras ng pag-eehersisyo? O meron ba tala-gang tamang oras dito? Magkakaiba ang sistema rito ng iba’t-ibang tao. Merong pumapasok sa gym nang umaga o nagwo-workout sa gabi o sa madaling-araw.  Depende siguro sa libreng oras nila para magpapawis. May mga ekspertong nagmumungkahi na hindi naman problema kung ipagpatuloy ng isang tao ang pag-eehersisyo sa pinipili niyang oras. Ang mahalaga ay nakakapag-ehersisyo siya para lumakas ang katawan. Wala umanong dalawang katawan ang magkapareho kaya walang mahirap o mabilis na patakaran sa oras ng araw-araw na pag-eehersisyo.

Sa jogging, halimbawa, may gumagawa nito tuwing madaling-araw o sa umaga. Sabi naman ng mga scientis, mas mainam na gawin ang pagtakbo sa umaga. Sabi ng mga researcher ng Appalachian State University sa United States, alas-siyete ng umaga pinakamainam tumakbo kung nais mong mabawasan ang iyong alta presyon at maging maganda ang pagtulog sa gabi. Ang dahilan, sa pagtakbo ay napapagana ang metabolism at tumutulong sa katawan na magsunog ng maraming calories sa maghapon. Meron din anilang epektong sikolohikal ang pagdya-jogging sa umaga. Kung papasok ka sa trabaho pagkaraang tumakbo, mas magiging alerto ang iyong pakiramdam at maaaring mabawasan ang stress na susuungin sa maghapon.

Sa weight training naman, mas magandang gawin ito sa early evening. Ang idea rito, ayon sa pananaliksik, ang human body clock ay merong optimum time para sa peak performance tulad ng ang oras sa gabi ay hudyat ng pagtulog.  Lumalabas na ang optimum time sa weight lifting ay sa early evening. Sa mga lalake, pinakamalakas ang kanilang testosterone at cortisone level sa early evening. Nasa pinakamalakas na antas ang kanilang muscle strength. Lumitaw sa isang pag-aaral na ang mga nagbubuhat ng mabibigat sa gabi ay nadadagdagan ang kanilang muscle mass kaysa mga gumagawa ng weight lifting sa umaga. Hindi naman daw mahalaga ang kaibahang ito.

Sa swimming at cycling, mas magandang gawin ito sa hapon o gabi.  Ipinahihiwatig sa mga pag-aaral na ang mga high-intensity exercise tulad ng pagbibisikleta ay epektibo kapag mataas ang iyong body temperature at nagluluwag ang iyong mga kasu-kasuan.  Mas magiging maganda ang iyong performance sa ganitong ehersisyo kung gagawin ito ng 6:00 ng gabi kaysa 6:00 ng umaga.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with