âLTO-Muntinlupa umuunladâ

 Over 10,000 human rights victims during the regime of president Ferdinand Marcos have lost a bid to collect nearly $2 billion in damages from the dictator’s family. ANDY ZAPATA JR./File   

‘LTO-Muntinlupa umuunlad’
CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento (Pang-masa) - July 21, 2017 - 4:00pm

MARAMING nagrereklamo sa Land Transportation Office (LTO) kung bakit kapag nag-rehistro sila ng kanilang bagong mga sasakyan ay matagal bago nila makuha ang OR/CR.

Sa National Capital Region (NCR) ay may pinakamara-ming bilang ng sasakyan ang nire-rehistro kaya natatagalan ang kanilang pagpoproseso.

Nakausap namin si Mr. Frederick ‘Wewe’ Ubaldo OIC ng LTO-Muntinlupa.

Ayon sa kanya nagkaroon ng inauguration ang LTO-Muntinlupa noong ika-20 ng Hulyo 2017.

“Yung inauguration ay tungkol sa pagkakaroon ng additional function ng LTO-Muntinlupa na new registration unit. Dati kasi ay sa regional office lang yun ginagawa at hindi sa District Office,” paliwanag ni Mr. Ubaldo.

Dati daw ay ang ginagawa lang nilang transaksiyon ay ang pagre-renew ng rehistro at lisensya.

May nauna na sa kanila na dalawang District Office na pinayagang magproseso ng pagre-rehistro ng mga bagong sasakyan, ito ang Quezon City at Mandaluyong.

Ginawa daw ito bilang solusyon sa problema ng pagkakatambak ng mga sasakyang pinaparehistro sa regional office. Paraan na din ito para mas mapabilis ang pagpoproseso ng pagpaparehistro ng mga may-ari ng mga sasakyan.

“Nagsimula na kaming tumanggap ng mga nagpaparehistro. Kakasimula lang namin at ang mga dealers naman ay iniipon muna nila ‘yan bago dalhin sa District Office para iparehistro,” sabi ni Mr. Ubaldo.

Mas mabilis din ang proseso nito dahil pagkatapos dalhin sa kanila ay ipo-proseso nila kaagad at sa loob ng pitong araw ay mag-iissue na ng OR/CR.

Tungkol naman sa plate number ng mga sasakyan ay wala pa daw desisyon tungkol dito kung ititigil muna o kukuha ng bagong bidding.

Sa lisensya naman ay renewal ang kanilang pinoproseso. Kung ano ang dati niyang lisensya at code ay yun lang din ang maibibigay nila.

Magandang balita ito sa taumbayan dahil mas mapapadali na ang pagkuha at pagrehistro dahil hindi na matatambak lang sa Regional Office ang mga dokumento.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with