^

Punto Mo

Intelligence ng PNP, sleeping on the job re: Nobleza?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

LUMAKI pala sa intelligence unit ng PNP si Supt. Maria Cristina Nobleza na nasakote kasama ang bomb expert na si Reneer Lou Dongon, sa isang checkpoint sa Bohol. Inakusahan sina Nobleza at Dongon na ire-rescue ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf na tinutugis ng pulisya at military sa Ina­bangan, Bohol. Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, si Nobleza ay da-ting naka-assign sa PAOCTF kung saan ang handler niya ay si ret. Gen. Reggie Villa-santa. Kaya naman napunta si Nobleza sa crime laboratory sa Mindanao ay dahil binuwag ni Bato ang Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) kung saan ang hepe nito na si Sr. Supt. Albert Ferro ay kaututang dila niya dahil kasama rin ng una ito sa PAOCTF. Pero ang hindi binanggit ni Bato, si Nobleza ay dating naka-assign din sa Directorate for Intelligence (DI). Kung sa tingin ni Bato ay deep penetration agent (DPA) ng Abu Sayyaf sa PNP si Nobleza, aba dapat paimbestigahan niya ito kay DI chief Dir. Gregorio Pimentel. Kasi kung DPA ng Abu Sayyaf si Nobleza sa PNP, tiyak meron siyang “handler” na mas mataas pa sa kanya. Kung si Nobleza naman ay pumasok sa Abu Sayyaf para tiktikan sila, aba dapat may handler din siya at nakalista sa DI ang mga trabaho niya, di ba mga kosa? At kung double agent si Nobleza dapat alam ng handler niya ang trabaho at alam ito ng DI chief na si Pimentel. Sinabi ni Bato na si Nobleza ay “sleeping with the enemy,” kapag hindi naman alam ng DI ang trabaho ng huli sa Abu Sayyaf ang ibig sabihin ba “sleeping on the job” ang intelligence ng PNP? Boom Panes! The truth shall prevail, ‘ika nga, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na si Nobleza ay dating naka-assign sa anti-terrorist section ng DI mula Enero 16, 2008. Siyempre, ang lahat ng datos sa mga terorista ay dumadaan kay Nobleza bago ito pirmahan ng hepe nila. Kaya pamilyar si Nobleza ng trabaho ng Abu Sayyaf, na dinala niya sa PAOCTF kung saan nakilala at na-interrogate niya si Do-ngon dahil sa kasong pagbomba sa isang hotel sa Cagayan de Oro City noong 2013. Ang pagkikilala nila ay nagbunga ng pagmamahalan, ani Bato, subalit maraming kosa ko ang hindi pumatol sa anggulong ito. Kasi nga si Dongon ay 25 anyos lang samantalang si Nobleza ay 49  at ‘ika nga ay amoy lupa na. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!

Si Nobleza ay “balik-Islam” at asawa ni Sr. Supt. Allan Nobleza na police attaché sa Pakistan. Si Nobleza ay naging opisyal ng PNP dahil sa lateral entry samantalang si Allan ay miyembro ng PNP Academy Class ’91. Ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, estranged na ang Nobleza couple subalit maraming pagkakataon na nakikita silang magkasama sa mga pagtitipon, lalo na kung ang klase ng lalaking Nobleza ang host. Nakasama ko sa NCRPO si Sr. Supt. Nobleza dahil bago siya tumulak sa Pakistan, hepe siya ng Muntinlupa City police kung saan hindi siya tumanggap ng pitsa sa mga ilegal, lalo na sa 1602. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! May alam kaya si Mr. Nobleza sa mga pinasok ng asawa niya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Masalimuot ang pinasok ni Mrs. Nobleza, no mga kosa?

Dumating kahapon sa Camp Crame si Nobleza matapos iutos ni Pres. Digong na kasuhan at idismis sa serbisyo. Tinitiyak ng mga kosa ko na ipasailalim sa tactical interrogation si Nobleza at malalaman ni Digong at Bato kung DPA ba siya ng Abu Sayyaf o ng gobyerno. Dapat ipasailalim sa forensic examination ang cellphone na nabawi kay Nobleza at makikita roon na may tinawagan siyang heneral ng PNP matapos siya at si Dongon at 2 pa ay masakote sa Army checkpoint noong Sabado. Kung sabagay, maraming ebidensiya ang makukuha sa cell phone ni Nobleza at ito ang magiging malakas na katibayan para ma-dismiss siya sa PNP. Abangan!

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with