^

‘Hindi kayang gibain’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento (Pang-masa) - April 11, 2017 - 12:00am

MAY nagsabi na ang makasaysayang Basilica ay di ma-gigiba. Ayon sa bibliya na sinabi niya sa mga Herodes na gibain ninyo ang templong ito at sa tatlong araw ay itatayo niya itong muli.

Marami ang sumalubong kay Kristo nung araw ng palaspas nung Linggo. Hindi na ito nakakagulat dahil nakasulat sa banal na aklat na ipapadala niya ang kanyang Diyos anak para magkatawang tao at iligtas ang sanlibutan at makapasok sa pintuan ng langit.

Ginugunita  natin ngayon ang mga paghihirap at pagsasakripisyo ni Kristo para maligtas tayo.

Naging tradisyunal na sa ating mga Pilipino na magtika at mag-ayuno. Panahon din ito ng pagsisisi ng kanilang mga kasalanan kaya ang ilan ay nagsasakripisyo at hindi kumakain ng karne tuwing Biyernes.

Dumadayo din sila sa iba’t-ibang simbahan para sa station of the cross hanggang sa makompleto nila ito.

Panahon din ito ng bakasyon sa ilan pero hindi naman nila nalilimutan ang tunay na halaga at dahilan kung bakit natin ginugunita ang Mahal na Araw.

Inaalala ng mga Kristiyano ang pagpapakasakit ni Kristo at ang hirap na kanyang dinanas para mapalaya lamang tayo sa makasalanang sanlibutan.

Nagsisimula ang pagdiriwang na ito sa paglalagay ng abo sa noo tanda ng kanilang pagsisisi.

Isa din itong pagpapaalala sa atin na sa abo nagsimula ang lahat at mauuwi din sa abo ang lahat.

Sa mga talagang deboto at gustong bigyan ng buhay ang naging sakripisyo at pinagdaanan ni Kristo ay sumasali sila sa Senakulo o di kaya naman ay nagpapalo ng latigo sa kanilang mga likuran.

Kung matapang-tapang naman ay nagpapapako pa ang ilan sa krus. May mga pabasa ding ginagawa.

Ngayong panahong ito sama-sama tayong magnilay at magtika. Samahan na din ng pag-iingat.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

GIBAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with