^

Punto Mo

Binabato na si Bato!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MAAGANG nakulayan ng pulitika ang pagpapakita ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ng pagiging malapit sa tao at pagdalo sa iba’t ibang okasyon. 

Ang pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo sa loob umano ng Camp Crame at pagkakasangkot ng ilang PNP official at mga tauhan nito ang pinag-ugatan ng lahat.

Pinagbibitiw na si Bato ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod ang pangaral ni Sen. Ping Lacson na iwasan muna ang pamumulitika at asikasuhin muna ang kanyang pamumuno sa PNP, pero nagpahayag naman si President Digong na buo pa rin ang tiwala niya sa heneral.  Sa mga pangyayari, ano man ang sabihin nila ay talagang maliwanag na naghahakot na si Bato ng tagahanga at political miliage, na madali namang basahin.

Matinik, marumi at magastos ang landas ng pulitika, kaya maraming matitinong tao ang pumasok dito ang naging marungis, corrupt at bugok dahil sa pagpapaanod sa gusto ng kanyang mga kapanalig. Kaya kung magagawa lang sana, umiwas muna siya sa mundo ng magulong pulitika para malayo sa intriga.

Ipagpatuloy na lamang ni Bato ang kanyang tungkulin ng walang pinipili at kinikilingan sa pagsugpo ng kriminalidad maging sila man ay kanyang kapwa pulis, upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa PNP, sa isang malinis at makataong pamumuno. Sa ganitong paraan, ang hatol ng bayan ang magdidikta para sa kaniyang ambisyon kung meron talaga.

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with