^

Punto Mo

Promdi

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LAGI na lang ginagamit ang mga taga-probinsiya para mangmarder ng isang tao. Halimbawa’y jologs magbihis o kaya’y jejemon magsalita, ang sasabihin: “Promdi kasi”.

Dito sa aming lugar, somewhere in Quezon City, isa lang ang naoobserbahan ko kapag may lamay ng patay. Nagiging isang malawak na sugalan ang paligid ng bahay ng namatay—madyong, tong-its, bingo—kulang na lang ay karera ng daga para mapagkamalang peryahan ang lamay na iyon. Tapos sa kabilang panig naman ay may kanya-kanyang grupo ng mga nag-iinumang kalalakihan—sexy dancer na lang ang kulang para maging beer house ang setting. Maingay ang paligid. Parang piyesta. Hindi mo madarama ang kataimtiman ng pakikiramay ng mga tao sa paligid.

Sa isip ko, sinasamantala lamang ng mga tao ang pagkaka-taon para sila makapagsugal at makapag-inuman sa kalye nang hindi masisita ng mga otoridad. Pero pagsapit sa paghahatid sa huling hantungan—sa sementeryo, mabibilang mo sa daliri ang taong nakikipaglibing.

Hahanapin mo tuloy ‘yung sandamakmak na nakipaglamay noong nakaburol ang patay. ‘Anyare? Nasaan kayong mga maiingay noong ilang gabi ng lamay? Maliwanag na sugal at inuman lang ang dinayo ng mga tao at hindi ang pakikiramay sa mga naulila.

Sa aming probinsiya, kung anong dami ng nakikipaglamay, iyon din ang dami ng nakikipaglibing. At hindi na kailangang magpasugal para kumita ang namatayan. Lahat ng nakikiramay ay nagbibigay ng abuloy sa mga naulila. Ganoon kaming makiramay, marespeto at hindi maingay. Ganoon kaming mga promdi.

               

             

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with