^

Punto Mo

Para di-magmukhang matanda

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
  1. Pahiran ng lotion na may ingredients na retinol, salicylic acid, or alpha hydroxy acid ang mga siko at tuhod araw-araw.
  2. Ang pag-inom ng 1000 mg na omega 3 fatty acids araw-araw ay nakakatanggal ng panunuyo  ng balat,  psoriasis at eczema.
  3. Ang anumang pampakinis na ipinapahid mo sa iyong mukha, ipahid din ito sa leeg, dibdib at kamay para maiwasan ang mukhang bata sa mukha, pero ang leeg at kamay ay parang sa matanda.
  4. Gumamit ng blue based eyeshadow at liner upang matakpan ang pamumula ng mata dulot ng pagod.
  5. Kapag tumatanda na, nagiging “humpak” ang pisngi. Upang makalikha ng ilusyon na pisnging matambok, pahiran ng light red blush on ang cheek bones.
  6. Bago mag-make-up, aplayan muna ang mukha ng moisturizer upang hindi mahalata ang soft lines.
  7. Gumamit ng mga pampahid sa mukha (sa gabi) na may ingredients na vitamin C at E.
  8. Kailangang imasahe ng isang minuto ang face wash sa mukha upang matanggal ang mga dumi at make-up.
  9. Kumain ng Brazil nuts na pinakamayaman  sa selenium, ang nagpoprotekta sa kutis mula sa perwisyong sinag ng araw. Ngunit kung wala, may selenium din ang cashew at sunflower seeds.
  10. Ang isang bagay na nakakatanda ng hitsura ay dry na buhok. Kadalasan ay mga hair treatments na uso ngayon ang nagiging dahilan ng pagkatuyo ng buhok. Upang hindi ma-dry  ang buhok, gumamit ng hair straightening device (plantsa ng buhok)  na may ionic technology. Kapag sinabing ionic technology, ang device ay may tourmaline na humahadlang upang ma-expose sa hot temperature ang buhok.
  11. Mananatiling shiny ang buhok na bagong kulay kung ang conditioner na gagamitin ay dadagdagan ng 2 drops orange at grapefruit essential oil.
  12. Kailangan nang kulayan ang buhok kung 40 percent na ang puti ng iyong buhok.
  13. Para hindi magmukhang kamay ng matanda ang inyong kamay, aplayan lagi ito ng lotion tuwing matatapos ang gawaing bahay o matapos maghugas ng kamay.
  14. Gumamit ng pink nail polish upang matakpan ang yellowish na kuko.
  15. Ang pag-inom ng 2.5 mg na vitamin B ay sumusugpo para maging malutong ang kuko.
  16. Nakakaalis ng brown spots sa mukha ang facial cream na may 2 percent hydroquinone.
  17. Upang mabawasan ang paninilaw ng ngipin, sepilyuhin ang ngipin ng mixture na ito:  1 kutsarita baking soda + 2 drops hydrogen peroxide.
  18. Magiging younger looking ang lips kung papahiran muna ito ng lip balm bago aplayan ng lipstick.
  19. Gamitin ang lipstick na may soft color kagaya ng berry, rose and apricot. Nakakatanda ang dark colors kagaya ng brown.
  20. Smile. Marami nang pag-aaral ang isinagawa na 100 % na nakakabata ng hitsura ang palagiang pagngiti.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with