Carabao man (41)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 14, 2016 - 12:00am

KASAMA ni JP si Maryanne sa pagtungo sa tanggapan ng Kulapnet Productions. Ipakikilala niya si Maryanne sa may-ari ng movie productions. Sisiguruhin na niyang kasama si Maryanne sa pag-angat niya. Kung sa kompanya lang ni Mr. Kim, matutulog ang career niu Maryanne.

“Sa palagay mo JP, tanggapin din akong talent sa Kulapnet?’’

“Siyempre naman. Sikat na actor itong dyowa mo. Takot lang nila na hindi ka tanggapin. Kaya nga ako lilipat sa Kulapnet e para madala ka sa pagsikat ko tapos e hindi ka nila tatanggapin. Hindi ako papayag.’’

“I love you so much JP.’’

“Love you too, Maryanne.’’

“Anong gusto mong regalo, JP?’’

“Siyempre alam mo na yun, he-he-he!’’

“Ano nga?”

“Alam mo na di ba --- monay – malaking monay! Ha-ha-ha!’’

“Talagang love na love mo ang monay, JP?’’

“Oo. Love na love.’’

“Pagnatanggap ako sa Kulapnet, magsasawa ka sa monay.’’

“Hindi ako magsasawa, Maryanne.’’

Bigla siyang hinalikan ni Maryanne sa pisngi. Nagulat si JP. Mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang kanyang pagmamaneho.

“Malapit na ba tayo sa Kulapnet office?’’ tanong ni Maryanne.

“Oo. Mga ten minutes pa siguro.’’

“Nakita mo na ba ang bossing ng Kulapnet?’’

“Hindi pa. Ngayon pa lang.’’

“Anong name niya?’’

“Boy Jorge.’’

“Ano kayang itsura?’’

Hanggang makarating sila sa Kulapnet Productions.

Nakaharap nila si Boy Jorge. Matangkad na lalaki, Balbas-sarado.

“Noon pa kita gustong makita at makausap JP alyas Carabao Man.’’

“Narito na ako Boy Jorge. Malaya na ako sa Dayami.’’

Nagtawa si Boy Jorge.

“Good decision, JP.’’

Saka napatingin kay Maryanne. Hinagod ng tingin ang kabuuan ni Maryanne.

(Itutuloy)

PRESIDENT AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with