3 Kataka- takang Kuwento
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Kambal Na Kamatayan

Noong 2002, isang 70 taong gulang na lalaki ang nabangga ng sasakyan habang siya ay nagbibisikleta sa isang kalsada ng Northern Finland. Namatay din nang oras na iyon ang matandang lalaki.

Pagkaraan ng ilang oras ay isang lalaki na naman ang naaksidente at namatay malapit sa spot na kinamatayan ng na­kabisikletang matanda. Nalaman ng mga pulis na ang dalawang lalaki na namatay ay identical twins.

Necktie

Si Irv Kupcinet, isang television reporter ay nagpunta sa London noong 1953 para i-cover ang koronasyon ni Queen Elizabeth II.  Sa Savoy Hotel siya tumuloy. Habang inaayos ang damit niya ay may napulot siyang mga gamit na may pangalang  Harry Hannin sa drawer. Si Harry ay basketball star ng Harlem Globetrotter  at kaibigan niya.

Bago pa maibalita at maibalik ni Kupcinet ang napulot na gamit ni Harry, may natanggap siyang sulat mula kay Harry. Ayon sa liham,  nakapulot siya ng necktie na may pangalang Irv Kupcinet sa kuwartong tinutuluyan niya, Hotel Meurice, Paris.

Libro

Noong 1973 ay pumayag si Anthony Hopkins na lumabas sa pelikulang “The Girl From Petrovka”. Ito ay ibinase sa nobela ni George Feifer. Naghanap si Anthony ng kopya ng libro pero wala na pala ito sa bookstores.

Minsan habang nakasakay siya sa tren ay may napulot siyang libro sa tabi ng kanyang inuupuan. Ang titulo ng libro: “The Girl From Petrovka”. Ang nakakatuwa pa, ang libro ay personal na kopya ni George Feifer. Ganito ang nangyari kung paano napapunta ang libro sa tren: Ipinahiram ni George ang libro sa isang kaibigan pero ninakawan ang kaibigang ito at nakasama ang libro sa ninakaw. Siguro ay naiwan ng magnanakaw ang libro sa tren at napulot naman ni Anthony.

ANG ANTHONY HOPKINS GEORGE FEIFER GIRL FROM PETROVKA HARLEM GLOBETROTTER HARRY HANNIN HOTEL MEURICE IRV KUPCINET KAMBAL NA KAMATAYAN LIBRO NOONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with