^

Punto Mo

Holdaper na tandem, tutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malaking hamon ngayon sa pulisya na madakip ang riding in tandem na holdaper na ang target ngayon na rondahan ng kanilang  operasyon eh yung mga nagpapa - carwash ng kanilang mga sasakyan.
Ang daming nagngingitngit matapos na mapanood sa kuha ng CCTV ang ginawang pagsalakay ng mga ito . Isa sa Caloocan at ang isang insidente  ay sa Quezon City.

Malaki ang hinala na sa dalawang insidente na ito ay iisa ang suspects.

Ang lalakas ng loob walang pinipiling oras nang pagsalakay kahit pa sa harap ng karamihan ng tao.

Armado ng baril ang dalawang buknoy na basta na lang manunutok ng baril  sa kanilang mga biktima na nagpapalinis ng sasakyan saka kukulimbatin sa biktima ang  lahat ng mapapakinabangan.

Nagagalit pa pag hindi nasiyahan sa nakukuha.

Hindi lang ang ganitong mga modus ang masasaksihan o  nasasapol ng mga nakakalat na CCTV sa mga lansangan, marami pang iba at ito ay nagaganap sa kabila ng gun ban na ipinatutupad  dahil na rin sa nalalapit na halalan.

Dito kailangan ang mahigpit na pagbabantay ng kapulisan.

Kasama na rin ang matinding pagmomonitor ng mga opisyal sa barangay na sila ang mas lalong nakakaalam sa mga lugar sa kanilang nasasakupan na doon madalas dumale ang mga kawatan.

Gayunman, kailangan din ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

Mai-operate sanang mabuti na madakip ang mga kawatan na ito na talagang matinding perwisyo sa lipunan.

Hamon ito sa pamunuan ng PNP ng marami nating mga kababayan na ito ang aantabayanan ng inyong Responde.

vuukle comment

ANG

ARMADO

CALOOCAN

DITO

GAYUNMAN

HAMON

ISA

ITO

KASAMA

MGA

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with