Sir Juan (99)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

“BAKIT mo naitanong kung sa labi, Mahinhin?’’ Tanong ni Sir Juan. “Kinakabahan ka ba?’’

“Medyo po Sir Juan.’’

“Bakit?’’

“Kasi’y wala pa pong nakakahalik sa akin. Kahit sa pisngi po ay wala pa nga.’’

Saglit na natulala si Sir Juan. Birhen pa pala talaga si Mahinhin. Kung ganun siya ang unang makakatikim sa labi nito.

“Kung kinakabahan ka, puwede naman nating hindi ituloy ang balak, Mahinhin. Ikaw ang magpasya kung itutuloy pa natin.’’

“Ituloy po natin, Sir Juan. Naitanong ko lang po kung sa labi ako hahalikan dahil hindi po sure. At saka medyo kabado po ako.’’

“Hindi naman torrid kissing ang gagawin natin. Ilalapat lang para kunwari ay talagang naglilips-to-lips.’’

“Ah ganun po ba? Kasi po ang mga napanood ko sa movie ay halos magsupsupan na ang mga naghahalikan. Pati yata dila ay pinapasok.’’

Napangiti si Sir Juan. “Hindi ganun, Mahinhin. Lapat lang ang paghalik pero aartehan natin na parang  sarap na sarap tayo sa paghahalikan.’’

Napangiti si Mahinhin.

“Sige po. Pero ano po bang oras natin gagawin ang kunwaring paghahalikan?”

“Mga 8:00 ng umaga. Madalas ay dito dumaraan si Nectar. Naobserbahan ko siya na kapag alas otso ng umaga ay dito siya dumaraan at para bang inaabangan ka.”

“Saan po tayo maghahalikan?’’

“Diyan sa tapat mismo ng pinto.’’

Napatangu-tango si Mahinhin.

“Okey po Sir Juan. Malinaw na po.’’

“Sige, Mahinhin bukas ng umaga ay simula tayo ng shooting, he-he-he. Kapag nagtagumpay tayo, kusang aalis dito si Nectar.”

“Okey po Sir.’’

 

KINABUKASAN ng umaga, eksaktong 8:00 ng umaga ay nasa may pinto na sina Sir Juan at Mahinhin. Magkaharap na sila. Handang-handa na sila.

Maya-maya, nakita ni Sir Juan ang pagdating ni Nectar.

Bumulong siya kay Nectar.

“Paparating na si Nectar. Maghalikan na tayo,. Mahinhin.”

Inilapat ni Sir Juan ang labi sa maninipis na labi ni Mahinhin. (Itutuloy)

ACIRC ANG BAKIT BIRHEN JUAN KASI MAHINHIN NAPANGITI SIGE SIR SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with