^

Punto Mo

Walang kadala-dala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila na bumaba sa 44 percent ang bilang ng mga nasuga­tan sanhi  ng paputok sa ginawang pagsalubong sa Bagong  Taon, masasabing marami pa rin ang walang kadaladala sa paggamit ng mga delikadong firecrackers at fireworks.

Sa tala ng DOH, umakyat na sa mahigit sa 450 ang bilang ng fireworks at firecrackers related injuries  kaugnay sa  pagsalubong sa taong 2016.

Sumasaklaw ito mula Dec. 21, 2015 hanggang Jan. 1, 2016 pa lamang. Matatapos ang pagbilang ng DOH  hanggang bukas, Jan. 5 , kaya posibleng tumaas pa ito.

Gayunman, mas mababa pa umano ang bilang na ito, kumpara noong magdiwang ng Bagong Taon 2014.

Pero eto nga ang nakakaalarma, pumalo naman sa 42 katao ang naging biktima ng stray bullet o tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Talagang marami ang pasaway at mga taong walang pakialam sa mga taong kanilang masasaktan.

Kaya nga sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan na kilalanin o ituro ang mga nasumpungan nilang nagpaputok ng baril ay malaking tulong sa awtoridad para malutas ang ganitong uri ng mga kaso.

Sa mga fireworks at firecrackets related injuries naman, piccolo pa rin daw ang nangungunang nakakasugat lalu na sa mga bata.

Kaya nga ang plano mg DOH tuluyan nang i- ban ang pagpasok ng piccolo sa bansa.

Kung may ganitong mga  plano dapat ngayon pa lang sana ay mapag-ukulan na ito ng sapat na panahon na maisakatupara   at huwag nang hintayin pa uli ang susunod na pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ang nangyayari kasi kung kailan lang mainit ang usapin ukol dito, saka lang natuturukan at kapag lumamig na, lumalamig na rin ang mga pag- aksyon.

Ngingas - kugon sa maikling salita kaya marami ang bumabalewala.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

GAYUNMAN

JAN

KAYA

MATATAPOS

MGA

NBSP

NGINGAS

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with