^

Punto Mo

‘Holiday blues’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TUMATAAS ang bilang ng mga nagpapakamatay sa panahon ng “ber” months at hanggang sa katapusan ng Pebrero.

 Dala ito ng matinding depresyon at kalungkutan na karaniwang nararamdaman ng mga malalayo sa mga kaanak.

 Marami sa mga kababayan natin, hindi kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa iba’t ibang okasyon at selebrasyon.

 Ayon sa mga psychiatrist, bagamat walang eksaktong estatistika ng mga nagsu-suicide  ang mga awtoridad, itinuturing nila itong kritikal.

 Maraming sintomas ang mga gustong mag-suicide. Lalaki ang pinaka-delikado dahil mas mapanganib ang kanilang pamamaraan ng pagkitil ng kanilang buhay.

 Kumpara sa mga kababaihan, lalaki ang kadalasang gumagamit ng baril at patalim o pagtalon sa matataas na gusali.

 Payo ng mga dalubhasang doktor, dapat pagtuunan ng atensyon ang bawat ikinikilos ng mga kasama sa bahay, kaibigan at kasamahan sa trabaho.

 Malaki ang maitutulong ng pagpapayo at pagkausap sa sinumang nalulungkot at depressed individuals dahil maaaring maagapan at mapigilan ang kanilang suicidal attempts.

 Pinaalalahanan ng BITAG ang publiko sa mga nati­tirang kritikal na buwan, maging mausisa sa biglaang pagbabago ng ugali ng ilan sa mga miyembro ng inyong pamilya, kaibigan at kasamahan.

 Kapag nakikitang matamlay at hindi pangkaraniwan ang kanilang ikinikilos, kausapin at payuhan upang hindi mahantong sa pagpapakamatay.  

* * *

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

AYON

DALA

KAPAG

KUMPARA

LALAKI

MALAKI

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with