Sir Juan (72)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 24, 2015 - 9:00am

PINAGMASDANG mabuti ni Sir Juan ang nagsasayaw na babae na ayon sa crew o waiter na nagsisilbi sa kanya ay hinahanap na rin noon ng isang lalaki at kinunan ng picture. Ang babae raw ay si Mahinhin.

Ilang ulit pang pinagmasdan ni Sir Juan ang babae. Hanggang sa mapansin niya na wala itong nunal sa kanang balikat. Mayroong malaking nunal si Mahinhin sa balikat. Iyon ang palatandaan niya. Magkahawig lang si Mahinhin at ang babaing nasa stage. Pati katawan ay iisa. Pati haba ng buhok ay ganundin. Kung hindi magkakaroon ng pagsusuri, maaaring mapagkamalan na si Mahinhin nga ito. Nunal lang ang kulang ng babaing nagsasayaw.

Nag-isip si Sir Juan tungkol sa sinabi ng waiter kanina na may lalaking naghahanap daw kay Mahinhin. Sino kaya ang lalaking  iyon? Bakit kaya kinunan ang sinasabing si Mahinhin habang nagsasayaw nang hubad? Hindi kaya si Nectar ang may pakana nang lahat ng ito? Pero ano naman ang naisip ni Nectar at gagawin iyon? Hindi naman siguro. Nagkamali lang siya sa paratang kay Nectar.

Hanggang sa makita ni Sir Juan na tinanggal ng babaing nagsasayaw ang bra. Uma­lagwa ang malulusog na boobskie. Maganda ang hubog pero halatang marami na ang nakahawak.

Kasunod na inalis ng babae ang kapirasong saplot na nakatakip sa kaangkinan. Malapad ang sakop ng bahay ng uwak. Maitim na maitim ang pugad ng uwak.

Hanggang sa mapanganga ang lahat, kasama si Sir Juan nang mahiga sa stage ang babae at ibinuka ang mahahabang binti. Hanggang sa malantad ang tinatakpan ng bahay ng uwak. Nagkandahaba ang leeg ng mga nanonood sa kagustuhang masilip ang nasa natatakpan ng bahay ng uwak. Matagal sa ganoong posisyon ang babae.

Hanggang sa biglang patayin ang ilaw. Tapos ang palabas ng babae.

Mamaya-maya nabuhay na muli ang ilaw.

Ipinasya ni Sir Juan na umuwi na. Nakita ng waiter ang pagtayo ni Sir Juan at lumapit ito.

“Ano Sir, si Mahinhin  ba yung babae?’’

“Hindi. Kamukha lang ni Mahinhin.’’

“Ganun po ba?’’

“Wala ka ba talagang kilalang Mahinhin dito?”

“Wala talaga Sir!”

“Sige babalik na lang ulit ako.’’

Bago uma­lis binigyan niya ng P500 tip ang waiter.

“Salamat po Sir. Haya­an mo at magtatanong ako tungkol kay Mahinhin.’’

“Sige Sa­la­mat.”

(Itutuloy)

ACIRC ANG ANO SIR BABAE HANGGANG JUAN MAHINHIN PATI SIGE SA SIR SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with