_pang-masa
^

Punto Mo

Matalim na dila

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG pag-aaral tungkol sa divorce ang ginawa ng Domestic Relations Court sa New York City. Base sa record, mas maraming mister ang umaayaw sa kanilang misis kaysa misis na nagsasawa sa kanilang mister. Natuklasan ng researchers na ang pagiging bungangera ng misis ang numero unong dahilan ng pag-ayaw ni mister sa kanyang misis.

Sa Bibliya, may binanggit tungkol sa bungangerang asawa: Mas maigi pang manirahang mag-isa sa disyerto kaysa makisama sa babaeng madaldal at palaaway. Kawikaan 21:19

Sinasabing ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ni Abraham Lincoln ay nang mapangasawa niya si Mary Todd Lincoln. May ugali si Mary na pintasan ang bawat kilos at hitsura ng asawa. Nakadagdag pa rito ang matinis ngunit malakas na boses ni Mary na laging nakatungayaw. Kabaliktaran ng ugali ni Abraham Lincoln na mabait, malumanay magsalita at hindi nagtataas ng boses kahit kailan.

Ang madalas niyang pinupuna sa kanyang mister ay ang pangit nitong paglalakad na parang sa robot; malalaking tenga; baluktot na ilong at kurkubadong likod. Gaano kaya kasakit kung ang mismong lumalait sa iyo ay ang babaeng pinakasalan mo.

Bukod sa pagiging mataray, gastadora ito. Lagi itong nagsha-shopping. Karamihan sa personal na gamit na binili niya ay hindi kailanman nabuksan mula sa pagkakabalot sa department store. Ibig sabihin, sa sobrang dami, hindi na niya ito magamit.

Hindi hiniwalayan ni Lincoln ang kanyang asawa pero gumagawa siya ng paraan na hindi sila magkita sa pamamagitan nang hindi pag-uwi sa bahay ng kung ilang araw. Nang mabaril si Lincoln, ang lihim na biruan ay—hindi niya naramdamang siya pala’y tinamaan ng bala dahil araw-araw ay tinatamaan siya ng naglalagablab na dila ni Mary.

(Ang artikulong ito ay protektado ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Anumang paggamit ng artikulong ito nang walang pahintulot mula sa may-akda ay mariing ipinagbabawal at ang sinumang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang kaparusahan sa ilalim ng batas.)

ABRAHAM LINCOLN ANG ANUMANG BUKOD DOMESTIC RELATIONS COURT HINDI INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES MARY TODD LINCOLN NEW YORK CITY REPUBLIC ACT SA BIBLIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with