Iyong maririnig
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - December 5, 2015 - 9:00am

Sa katahimikan

Kung may marinig kang

awit na marahan

Na nakikisaliw

Ang pananahi mo at  gawaing bahay

Yaong ang tinig ko

Sa buong maghapon kita’y tatanuran

Kung ikaw’y may lungkot

Sa pamamanglaw mo kita’y

daramayan

 

Sa pagdarasal mo

Babantayin ka rin ng buwang malamlam

Sa pagkakaluhod

Noo mo ay kanyang marahang

hahagkan

Ang puso kong buwan

Diwa yaong sinag na siyang tatanglaw

Sa pagdarasal mo

Sa buong magdamag na iyong

paghimlay

 

Sa hanging amihan

Sa tuwi-tuwi na’y iyong maririnig

Ang guni-guni kong

Ikaw ang lagi nang ibig makaniig

Sa pagbabasa mo

Ako rin ang paksa ng iyong katalik

Kung napapagod ka

Kita’y iduruyan sa marahang tinig

 

Ito ang ganti ko

Sa iyong pagtinging wagas at matapat

Sa iyong dalangin

Ito ang pagsuyong aking itutumbas

Sakaling sa buhay

Magtampo sa aki’t magwakas

nang ganap

Sa ulilang puntod

Aking babauni’y iyong pagliyag

ACIRC ANG BABANTAYIN DIWA IKAW ITO IYONG KITA MAGTAMPO SAKALING YAONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with