Problema ang parking
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - November 28, 2015 - 9:00am

Matagal na ngayon ang problema nating

marami ang kotse wala namang parking;

sa lahat ng lugar saanman dumating

trapik sa lansangan ay nakakalasing!

 

Malaki’t maliit nating subdivision

kotse’t mga trak ang nagkalat ngayon;

mga kabataang papasok sa school

maglakad maglaro wala nang panahon!

 

Malaking kalye katulad ng EDSA

ay trapik na trapik saanman papunta;

ang sitwasyong ito’y naiwasan sana

kung may wastong parking mayaman at dukha!

 

Saka wasto parin mungkahi ng ilan

pagbili ng kotse dapat limitahan;

isa o dalawa sapat na raw

at dapat may parking nasabing sasakyan!

ACIRC ANG DAPAT KOTSE MALAKI MALAKING MATAGAL NBSP PARKING SAKA TRAPIK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with