^

Punto Mo

‘Droga, napansin na!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SALAMAT naman at napansin na ng gobyerno ang pamamayagpag ng ilegal na droga.

 Sabi nga “huli man daw at magaling, naihahabol pa rin!”

 Buti naman nagsasalita na ang Department of Interior and Local Government (DILG). Ngayon palang sila nag-iingay dahil malapit na ang eleksyon.

 Matagal ko nang tinatakalay sa aking programa sa radyo at telebisyon ang problemang ito.

 Nauna nang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 92 porsyento ng mga barangay sa Metro Manila, napasok na ng ilegal na droga.

 Ang problema, hindi ito prayoridad ng kasalukuyang administrasyon. Kakarampot pa rin ang pondo ng ahensya o humigit-kumulang kalahating bilyon lang. 

Dahil barya-barya lang kung tutuusin, kulang sa mga kagamitan, teknolohiya at bilang ng mga tauhan.

 Maliban dito wala pang batas na pumapabor sa mga operasyon ng PDEA. Nakatengga pa rin ang isinusulong na Wiretapping Law sa Kongreso. Walang mambabatas na naglalakas-loob na tumalakay sa isyu.

 Sa malisyosong pag-iisip, dalawang bagay lang kung bakit ayaw magsalita ng mga senador at kongresista sa bentahan ng ilegal na droga sa bansa.

 Una, maaaring nababahag ang kanilang mga buntot. Pangalawa, posibleng protektor sila ng mga sindikato dahil suportado sila ng mga nasa likod nito. Narcopolitics kung tawagin. Malapit na naman ang eleksyon.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com. 

 

vuukle comment

ABANGAN

ANG

BUTI

DAHIL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KAKARAMPOT

METRO MANILA

MGA

NBSP

WIRETAPPING LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with