^

Punto Mo

‘Tanim bala’ sa airport, pera-pera nga lang ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang lumalala ang isyu ng ‘tanim o laglag bala ‘sa mga paliparan na sa bansa.

Hindi lang ang mga balikbayan nating kababayan ang natatakot na magsiuwi dahil baka raw sila mabiktima ng mga ito, kundi apektado na rin ang turismo dahil nga takot din ang mga dayuhan na pumasok at lumabas ng bansa.

Kailangan  na umano itong bigyan ng masusing imbestigasyon ng pamahalaan at tigilan na ang kasasabing ito ay isolated incident lamang.
Dapat mabusisi ang lahat ng anggulo kung sinu- sino ang nasa likod nito at kung ano ang tunay na motibo. Pera - pera nga lang ba o baka naman may iba pa.

Hindi dapat isara ang mata at isipan sa isang anggulo dapat mahalukay ito nang husto.

Noon lamang nakalipas na Biyernes, isang engineer ang nakitaan daw ng dalawang bala sa Davao International Airport.

Bagamt kinasuhan ito, itinatanggi ng  engineer  na may alam sya dito.

Lumalalim talaga ang ganitong insidente, dahil nagkakasunud- sunod ang sinasabing mga pasahero na nakukunan ng bala.

Posibleng marami pa ang nagkaganito, ang iba marahil ay hindi na lumutang dahil sa takot o ang ilan naman ay ayaw nang maabala pa.

Pero kung hindi mabubulgar o mabibigyan ng masusing imbestigasyon ang isyung ito pwedeng lalung mamihasa  ang mga taong sangkot dito. Patuloy silang mamamayagpag at mambibiktima.

Kaya nga ang hikayat ng mga kinauukulan sa mga itunay na naging biktima makipgtulungan para ito maimbestigahan.
Nakakapagtaka lang na sa kabila nang kung kailan mainit ang isyu ikol dito eh bakit patuloy pa rin na may nakukuhanan ng mga bala sa bagahe o bulsa ng kadalasang OFWs o mga dayuhang pasahero.
Baka bukod  mga sa pinagkakakitaan ito eh may mas malalim pang motibo o anggulo sa jstorya nito.

vuukle comment

ANG

BAGAMT

BIYERNES

DAPAT

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

ITO

KAILANGAN

KAYA

LUMALALIM

MGA

NAKAKAPAGTAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with