Biyaya sa obrero
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - March 15, 2015 - 12:00am

Nakapagtataka ang ating gobyerno

Hindi alintana ang maraming tao;

Tingnan mo na lang ang mga obrero

Araw ng paggawa ay walang umento!

 

May mga obrerong saksakan ng sipag

Sa mga pabrika’y hindi nagtatamad;

Sa gawain nila’y walang nagmamatyag

Kaya ang umento’y malayong matupad!

 

Sa mga bumberong kalaban ng apoy

Halos buhay nila nakataya roon;

Walang pumapansin sa buong maghapon

Bigyan ng biyaya Pasko’t Bagong Taon!

 

Mga manggagawang nasa public service

Hindi alintana ng mga hepe o chief

Hirap sa gawain at babad sa init

Walang natatanggap promosyong matamis

ARAW BAGONG TAON BIGYAN HIRAP KAYA NAKAPAGTATAKA PASKO TINGNAN WALANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with