^

Punto Mo

Huwag pagdalus-dalos sa BBL

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang malayo pa ang tatakbuhin ng madugong pangyayaring naganap sa Mamasapano sa Maguindanao kung saan 44 na tauhan ng PNP -Special Action Force (SAF) ang nasawi 

Mataas pa rin ang emosyon hindi lamang sa panig ng mga kaanak ng mga nasawing pulis kundi ganito rin ang nasusumpungan sa damdamin ng marami nating mga kababayan.
Sa kabila ng binuong Board Inquiry ng pamahalaan na hanggang ngayon yata ay wala pa yatang nasisimulang imbestigasyon, maaaring matagal pa bago makuha ang kasagutan sa mga katanungan at ang hinahangad na hustisya ng mga kaanak ng biktima

Tumitindi rin ang panawagan na ihinto muna ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon pa nga sa ilang ulat dumarami sa mambabatas ang bumabawi na ng kanilang suporta para ito maipasa. Maging ilang kaalyado ni Pangulong Aquino ay sinasabing nagdadalawang isip na ukol dito.

Kung ito nga ang tunay na nangyayari aba’y may malaking problema rito ngayon ang pamahalaan kaya mas kailangan nila ngayon ang matinding pag aaral.

Maganda ang layunin ng gobyerno sa BBL, ito nga ay ang matamo sa pangmatagalang paraan ang kapayapaan sa Mindanao kaya nga nais nila na agad itong maipatupad.

Gayunman, dahil sa ganitong pangyayari kung saan natuklasan ang ilang maaaring buma-ngong suliranin sa hinaharap mas makakabuti na huwag magpadalus-dalos dito ang pamahalaan para walang pagsisihan sa huli.

Mistulang hindi pa pulido ang pagkabalangkas sa BBL kaya hindi ito dapat apurahin para lamang makapag-iwan ng legacy kung palpak naman sa huli.

May kasabihan ngang “ Ang tumatakbo ng matulin, kung matinik ay malalim.”

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

BOARD INQUIRY

GAYUNMAN

MAGANDA

MATAAS

MINDANAO

MISTULANG

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with