^

Punto Mo

Manong Wen (42)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ARTHUR daw ang pangalan ng kanyang kapatid. Engineer daw ito sa malaking construction company. Masayang-masaya si Gemma habang ipinakikilala ang kanyang kapatid. Guwapo naman si Arthur pero tipong playboy. May bigote at matipuno ang pangangatawan.

“E ako naman na mada-ling utuin ay kinamayan si Arthur at tinawag ko pang bayaw. Siyempre kapatid siya ni Gemma kaya kaila-ngang maganda ang pagpapakita ko ng ugali sa kanya. Para walang maipintas ay kailangang pakisamahan nang maayos.

“Ang ipinagtaka ko lang makaraang ipakilala si Arthur ay walang nabanggit sa akin si Gemma noon na mayroon siyang kapatid. Tanging ang ikinukuwento ay ang ina niya na namatay. Walang nasabi na mayroon siyang kapatid na engineer.

“Ganunman, hindi ko na binigyan nang isyu iyon. Baka nalimutan lang niyang sabihin na mayroon siyang kapatid na lalaki.

“Mula noon, lagi nang nasa bahay namin si Arthur. Doon kumakain ng hapunan. Kapag Biyernes na walang pasok ay doon maghapon. Nagkukuwentuhan kami pero madalas ay silang magkapatid ang laging nag-uusap. Laging ang saya nila habang nag-uusap. Nagtatawanan pa. May pagkakataon na habang ako ay nanonood ng TV ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan sila. Hindi ko naman marinig kung ano ang pinag-uusapang nakakatawa.”

Nagtanong si Princess, “Ano po ang tawag ni Gemma sa kapatid na si Arthur?”

“Art.’’

“E si Arthur po anong tawag kay Gemma.’

“Gem.’’

Napatangu-tango lang si Princess.

Nagpatuloy si Jo sa pagkukuwento.

“Hanggang sa mapansin ko na gabi-gabi ay naroon lagi si Arthur. Pero okey lang sa akin. Walang problema dahil kapatid nga ni Gemma. Kahit doon kumakain, okey lang sa akin.

“Isang araw, sabi sa akin ni Gemma, nakikiusap daw si Art na sa bahay na namin tumira. Nagkaroon daw ng problema sa housing o tirahan nina Art kaya nakikiusap na sa bahay na tumira. Pumayag ako. No problem.

“At mula nga noon ay sa bahay na nakatira si Art. Sa salas siya natutulog dahil isang kuwarto lamang ang aming bahay. Malaki naman ang salas at may sopa bed.

“Hanggang sa mangyari iyon. Nasaksihan ko ang lahat. Gabi. Galing ako sa  sideline kong trabaho sa Batha. Nang buksan ko ang pinto ng aming bahay, nahuli ko sila sa akto sa sopa. Nagtatalik sila!”

(Itutuloy)

 

ANO

ARTHUR

BAHAY

BATHA

GEMMA

HANGGANG

KAPAG BIYERNES

KAPATID

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with