^

Punto Mo

Bakit mainit si Roxas kay Gen. Villacorte?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report:  Nagulantang ang mga kosa ko sa MPD sa biglaang pagsibak kay Supt. Villamor Tuliao bilang hepe ng intelligence. Alam naman ng lahat na si Tuliao at si Supt. Jackson Tuliao, ang hepe ng Station 2, ang gamit na bagman ni MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion. Ang ugong ka-sing umiikot sa MPD ay nagbigay si Villamor ng isang Toyota Innova sa kanyang amo. Ewan ko lang kung si Asuncion ang tinutukoy ng mga kosa ko na among tumanggap ng Innova. Pero dapat paimbestigahan ito ni Asuncion at baka nabukulan siya, di ba mga kosa? Kung sabagay, kalat sa MPD na bukol din ang dahilan sa pagsibak kay Villamor.

• • • • • •

May namumuong bangayan sa ngayon kina Pasay City Mayor Tony Calixto at Sr. Supt. Flo-rencio Ortilla, ang hepe ng local na pulisya. Sinabi ng mga kosa ko na nag-ugat ito sa pagkahuli ni Ortilla sa gambling lord na si Roger Palengke na kumpare ni Mayor Calixto. Maagap kasi si Ortilla dahil kaagad niyang kinasuhan si Roger Palengke bago makatawag at makaporma si Mayor Calixto. Hayun, nakalabas naman sa kulungan si Roger Palengke subalit ayon sa mga kosa ko naglagak siya ng piyansa. Ok lang sana kay Roger Palengke kung nahuli siya, ang problema lang nito ang nasa likod ng pagkilos ng pulisya ay dahil sa utos ng isang alyas Liezl, ang bagong pasok na bangka sa siyudad ni Calixto. Siyempre, hindi papayag si Roger Palengke na may karibal siya sa negosyo niyang lotteng, ending, ball-alai, bookies at iba pa at t’yak gagamitin niya ang relasyon n’ya kay Calixto para maharang si Liezl, di ba mga kosa? Hehehe! Tiyak ‘yun! Kung sabagay, hindi lang itong sina Roger Palengke at Liezl ang gambling lords na nag-ooperate sa Pasay kundi maging si Dalisay Marasigan din na ang kabo ay si alyas Janet.

Sinabi ng mga kosa ko na hindi lang sa Pasay hitik na hitik ang pasugalan kundi sa buong kaharian ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte. Sa Muntinlupa namamayagpag ang sakla operations ni alyas Kaok at Lolet, at vk ni Jake Duleng na ayon sa mga kosa ko ay lumilinya rin sa droga; lotteng ni Willy Kalagayan sa Taguig, video karera ni Jun Laurel at Boy Intsik sa Taguig din; lotteng ni RR sa Paranaque City; jueteng at lotteng ni alyas Onie sa Las Pinas; vk ni alyas Vic sa Paranaque City, at perya ni alyas Dandan sa Makati City. Marami pa ‘atang nakaligtaan ang aking mga kosa subalit babalikan ko sila sa susunod na mga araw. Hehehe! Aalamin ko mga kosa kung sino ang bagman ni Villacorte, na pilit pinapalayas ng kampo ni DILG Sec. Mar Roxas sa SPD subalit palaging napipigilan naman ni Vice Pres. Jojo Binay. Si Villacorte ay tubong Makati at ang ama ay nasa kuwadra ni Binay kaya’t alam n’yo na mga kosa kung bakit mainit sa kanya si Roxas. Mismo!

At nais kong iparating kay NCRPO director Carmelo Valmoria na ginagasgas ng isang SPO3 Allan Allado, ang chief clerk ng RPSB, at ni Nilo Espeleta ang pangalan niya sa illegal gambling. Dati-rati mainit ang kampanya ni Valmoria sa illegal gambling subalit nitong nagdaang mga araw ay lumamig na, Anyare, Gen. Valmoria Sir? At bakit hanggang sa ngayon, wala pang naarestong tong collector ang opisina ni Gen. Valmoria eh halos lahat sa kanila ay mga pulis na nakakasira sa imahe ng PNP natin? Teka, advance Happy Birthday muna kay Gen. Valmoria! Abangan!

CHIEF SUPT

KOSA

LIEZL

MAYOR CALIXTO

ORTILLA

PARANAQUE CITY

ROGER PALENGKE

VALMORIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with