Uok (123)
ILANG beses din niyang nasilipan si Gab habang naliligo nang hubad sa batalan. Wala itong kamalay-malay na may mga matang nagpapakasawa sa kanya habang naliligo. Napagmasdan niya ang makinis na kutis ni Gab. Ang makurbang katawan na parang nililok ng eskultor. Tamang-tama ang porma ng kanyang katawan.
Napabuntunghininga si Drew. Sino ba ang mag-aakala na magiging siyota pala niya ang babaing sinisilipan? Sino rin ang mag-aakala na magiging kaibigan niya ang daddy ni Gab na si Basil. Magkasundung-magkasundo sila.
Naisip muli ni Drew, ano kaya at malaman ni Gab na nasilipan na niya ito? Baka masira ang kanilang relasyon. Baka pati si Basil ay magalit sa kanya. Ililihim na lamang niya ang lahat. Sasarilinin na lamang niya. Kapag naging mag-asawa na sila saka niya unti-unting sasabihin. Siguro naman, kapag mag-asawa na sila ay hindi na ito magagalit. At kung magalit man, wala nang magagawa dahil mag-asawa na sila.
Pipigilin na lamang niya ang sarili na manggigil kay Gab. Pero kung lagi silang magkikita ay baka hindi mawala ang panggigigil niya. Baka humiling siya kay Gab na makahipo. At kapag hindi ito pumayag ay magalit siya. At baka ang pagkakagalit na iyon ang pagmulan ng away nila. Baka mag-break sila at tapos na ang lahat para sa kanila. Ayaw niyang mangyari iyon.
Hanggang sa ipasya ni Drew na lilimitahan ang pagpunta kina Gab. Iyon ang pinakamagandang paraan para hindi siya manggigil sa siyota. Minsan isang linggo na lang siya dadalaw. Isa pa, marami ring ginagawa si Gab dahil sa kanyang mga requirements sa school. Ginagawa rin ang thesis nito.
Ganun nga ang ginawa ni Drew. Hindi muna siya nagpunta sa loob ng ilang araw. Tinakda niya na tuwing Linggo na lamang siya pupunta kina Gab.
Hanggang sa dumating ang Linggo. Nagpunta siya kina Gab, dakong alas sais ng hapon. Nasasabik na siyang makita si Gab.
Pero ganoon na lamang pagkadismaya niya sapagkat may bisitang lalaki si Gab. Nagkukuwentuhan sa salas.
Hindi malaman ni Gab ang sasabihin. Natulala.
“May bisita ka pala, Gab. Babalik na lang ako,†sabi niya sabay alis.
(Itutuloy)
- Latest

















