^

Punto Mo

Lampong (421)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG sabi ng negosyanteng yun, Dick?” tanong ni Jinky nang makitang umalis na ang negos-yanteng si Mr. Ti.

“As usual, pinipilit uli ako na ipagbili na sa kanya ang Uloy Nuts. Kahit daw magkano, babayaran niya.’’

“Napakakulit pala ng matandang iyon. Di ba sinabi mo na noon na hindi mo ipagbibili?’’

“May malaking dahilan pala kaya gusto niyang mabili ang produkto natin, Jinky?”

“Anong dahilan?”

“Nagamot daw ng Uloy Nuts ang erectile dysfunction niya. Biglang-bigla raw, pagkaraang kumain ng Uloy Nuts ay naging masigla at hindi na lumulungayngay ang batutoy niya.’’

Napahagikgik si Jinky.

“Ah, kaya pala. Pero ano naman ang gagawin niya at bibilhin pa ang produkto natin?’’
“E di pagkakaperahan niya.  Alam mo na ang mga negosyan­te, hindi tumitigil ang isip para madagdagan pa ang kikitain.’’

“Teka, sinabi mo bang mayroong mahiwagang sangkap ang Uloy Nuts kaya nalulunasan ang ED?”

“Nope. Bakit ko aaminin? Hayaan natin na ang mga tao ang magpatunay sa husay ng Uloy Nuts. Wala tayong sasabihing anuman ukol dito kundi masarap at malinam-nam ang Uloy Nuts.’’

“Okey Dick. Bilib na talaga ako sa’yo.’’

“Hayaan nating ang magbigay ng patunay ay ang mga gumaling.’’

Kinabukasan, isang lalaki na naman ang naging bisita ni Dick. Mga 65 years old ang lalaki.

“Ikaw po ba si Mr. Dick na may-ari ng Uloy Nuts?”

“Opo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?”

“Nagpunta po ako rito para magpasa-lamat.’’

“Para po saan?”

“Dahil po napagaling ng inyong produktong Uloy Nuts ang aking “panlalambot”. Ngayon po ay talagang lumalaban na ako sa aking 16-anyos na asawa. Okey na okey po. Mas marami akong nakaing Uloy Nuts (garlic flavor) ay mas matindi ang labanan namin. Puwede po ba mag-request na gumawa kayo ng Uloy Nuts na ang flavor ay chili.’’

Napahagikgik si Dick.

“O sige po. Salamat po  sa suggestion. Sana po kumain ka pa nang maraming Uloy Nuts.’’

“Oorder pa nga po ako ngayon din.’’

Umalis na ang lalaki.

ISANG araw, nagbaba­sa ng diyaryo si Dick nang mabasa niya ang ukol sa PENISITIK. Wala na raw bisa ang gamot!

(Itutuloy)

 

HAYAAN

JINKY

MR. DICK

MR. TI

NAPAHAGIKGIK

NUTS

OKEY DICK

ULOY

ULOY NUTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with