Lampong (414)

N ATATANGAY na si Jinky sa ginagawa ni Franc. Nagpapaubaya na siya. Pagkaraan nang ma­tagal-tagal ding panahon ay ngayon lamang muli may humalik sa kanya. At inaamin niyang masarap ang hagod ng labi ni Franc sa kanyang punong taynga.

“Franc, ano ba?” sabi niya pero walang pagtutol.

Pagkatapos siilin ang punong taynga ay ang dakong dibdib ni Jinky ang sinimulang gapangan ng labi ni Franc. At lalo nang natangay si Jinky. Marahan na ma­rahan ang paggapang ng labi. At ang bawat paggapang ay naghahatid ng kuryente. Dumidiklap ang kuryente sa bawat pagdampi ng labi.

Hanggang sa tumigil sa tapat nang mayamang bundok ang labi ni Franc. Humimpil doon. Pinag-aaralan ang mga gagawin. Nag-iisip.

“Franc, ano bang gagawin mo?” tanong ni Jinky.

Pero sa halip na sumagot si Franc ay hinubad ang kanyang pantalon. Brief na lang ang naiwan. Nabistahan ni Jinky ang umbok sa ha­rapan. Ang umbok na iyon ang nakita niya sa sapa habang naliligo si Franc. Parang may sawang nakabitin sa pagitan ng mga hita.

“Franc?”

Ipinagpatuloy ni Franc ang paghalik sa dakong dibdib ni Jinky. Pero sa pagkakataong ito ay mabilis na ang pagdama ng labi sa mayamang bundok. Parang asong umaamoy ng nakatagong bomba.

At ang sumunod ay ang pag-apuhap ni Franc sa butones ng suot na blouse ni Jinky. Halos haklitin ang pag-aalis ng butones.

“Franc, huwag!”

Pero wala nang naririnig si Franc. Hayok na talaga at binilisan ang pag-alis ng mga butones.

“Huwag Franc. Ayoko!” Sabi ni Jinky na tila naaamoy na ang gustong mangyari ni Franc.

Pero patuloy si Franc.

Hanggang sa magpipiglas si Jinky. Inilaban ang katawan para hindi maalis ang butones ng blusa.

Pilit na hinahaklit ni Franc at ang tangka ay sirain na ang blusa. Pero lalong inilaban ni Jinky ang katawan. Sa unang pagkataon ay nakadama siya ng takot. Parang baliw na si Franc. Anong nangyayari kay Franc.

“Huwag! Ayoko!” sabi niya. Malakas ang pagkakasabi.

“Masyado kang maarte, um!” Sinampal siya ni Franc. Tulig si Jinky. Parang nakakita siya ng mga star.

“Franc, ba’t mo ako sinampal?”

“Maarte ka kasi. At hindi lang sampal ang ibibigay ko sa ‘yo kapag nagmatigas ka!”

Lalong natakot si Jinky. Baliw na yata si Franc!

“Hubarin mo nang blusa mo at nang matapos na tayo.”

“Ayoko! Aalis na ako!”

Nagtawa si Franc.

“Akala mo makakaalis  ka pa rito?”

Hilakbot si Jinky. Ano itong napasukan niya? Bakit nagkaganito.

“Maghuhubad ka o ako ang maghuhubad sa ‘yo?” tanong ni Franc.

Lumapit ito kay Jinky. Hinaklit ang blusa. Nalantad ang mayayamang dibdib ni Jinky.

(Itutuloy)

Show comments