^

Punto Mo

‘Black Magic’

- Tony Calvento - Pang-masa

ITIM na mahika o black magic! Isang hindi pangkara-niwang kapangyarihang ginagamit para sa masasamang ha-ngarin ng mga taong marunong nito. Puno ng hiwaga ngunit labis ang kapalit na sumpa. Sinabihan si Joy Bugarin—25 ng kanyang among Arabo na may pupuntahan sila. Nagulat na lamang siya nung huminto sa tapat ng istasyon ng pulis, ipinasok sa loob at ipinakulong.

Ito ang sumbong ni Joy sa kanyang mga kapatid sa Pilipinas na sina Dea Eligore—19 at Vivian “Vian” Marino—26 na agad na inilapit nila sa aming tanggapan. Pinaghihinalaan daw ang kanilang kapatid na nagtatrabaho sa Dubai bilang isang “domestic helper” ng kanyang amo na ginagamitan siya nito ng “black magic” (Kulam). Sabi nina Dea at Vian mga bandang katapusan ng  Mayo 2013 nangyari ito. Ayon kay Joy, nagtaka siya nung araw na iyon kung bakit siya isinama  at isinakay sa kotse ng kanyang amo papunta sa opisina ng kanyang agency doon sa Dubai.

Makalipas ang ilang oras, lalo siyang nagtaka nung tumawag ang  kanyang amo para siya’y pabalikin sa bahay nito at kuhanin lahat ng kanyang mga gamit. Sinundo pa siya nito, ngunit sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, napansin ni Joy na ibang direksyon na ang tinatahak nila. Gulong-gulo ang isip ni Joy kung ano na ang nangyayari. Kahit anong pagtatanong niya sa kanyang amo ay hindi siya pinapansin nito. Ipinakulong na lamang siya nito. Matapos nun, pinayagan siya ng mga pulis na tumawag sa kanyang agency at dumating naman ang represen-tante nito at siya’y pansamantalang nakalaya.

Sa kanila niya nalaman na inirereklamo siya ng kanyang amo ng kasong “black magic”. Tungkol umano ito sa mga buhok, turnilyo at litrato ng kanyang amo na natagpuan sa kaniyang kwarto. Pilit na inalala ni Joy kung papaano nangyaring magkakaroon ng mga ganong bagay sa kanyang silid. Hanggang sa maalala niya ang mga naipon niyang mga buhok na inilagay niya sa isang plastic sa kabinet na taguan ng mga hindi na ginagamit na bagay.

“Simula nung ako’y nagtrabaho dito naglagas na ang aking mga buhok. Ayoko namang nakikitang nakakalat kaya winalis at itinabi ko ito,” aniya. Suspetsa ni Joy na naghalungkat ang amo sa kanyang kwarto nung araw na ibinalik siya sa agency at naghanap ng pwedeng ikaso laban sa kanya.

“Hindi po mangkukulam ang ate ko, hindi nakakatawa dahil seryosong bintang ito para sa kanya. Natatakot kami na ma-frame up ang kapatid ko,” ani Dea.

Kasalukuyang nasa opisina ng agency niya si Joy habang hinihintay na matapos ang pagdinig sa kanyang kaso.

“Kung uuwi daw po ang  ate ko, dapat daw po siya ang  sumagot ng kanyang tiket pabalik. Saan naman po kami kukuha ng pera para doon?” sabi ni Vian. Nais ng magkapatid na matulungan ang  kanilang ate sa sitwasyon niya doon.

Itinampok namin sa  CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00-4:00 ng hapon  mula Lunes-Biyernes, at Sabado ng 11:00am-12:00nn) ang kwentong ito ni Joy.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kinapanayam namin sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) at pinarating ang sitwasyon ni Joy sa Dubai. Sa 50 taon niyang pagseserbisyo bilang undersecretary ng DFA, wala pa siyang nadidinig na pinapatawan ng mabigat na parusa sa “black magic” dahil mahirap itong makuhanan ng ebidensya. Ito daw ay isang “perception” o paningin lamang ng isang tao sa kapwa nito.

Ibinigay namin ang lahat ng detalye’t impormasyon kay Usec. Seguis kung papaano mako-contact si Joy. Ito’y para na rin makipag-ugnayan sa ating ‘Consul General’ sa Dubai na si Frank Cimafranca at nang siya ay mabigyan ng abogado at matulungan na makauwi sa ating bansa. Naibsan naman ang pangamba ng magkapatid na lumapit sa amin. Ngayon pa lamang, kami ay nagpapasalamat kina Usec. Seguis at pati na rin kay Consul General Cimafranca   at lahat ng mga taga DFA Saudi. (KINALAP NI TRICIA HIZON)

Sa gustong dumulog, ang  aming mga numero ay 09213263166, 09198972854, 09213784392 at 0906-75­7­8527. Ang landline, 638­7­285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

DUBAI

JOY

KANYANG

NITO

SIYA

USEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with