^

Punto Mo

Monophobia

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

KUNG ikaw ay takot mag-isa, maaaring meron ka nang tinatawag na monophobia.

Ang may monophobia ay kumportable lamang kapag sila ay may kasama at insecure kapag nag-iisa. Ang mas malalim na ugat nito ay ang kakulangan ng kumpiyansa sa sarili at lakas ng loob. Pinupunan at tinatakpan nila ito ng laging pagdalo sa mga gatherings, laging kapiling ang barkada at ini-expect ang atensiyon ng mga minamahal.

Hindi mo kayang mapag-isa kundi ay maaari kang magkaroon ng panic attacks. Pakiramdam mo, lahat nang tao ay nakatingin sa iyo at hinuhusgahan ka kung bakit ka nag-iisa, walang nagmamahal sa iyo at loner ka.

Aaminin ko, dati ay semi monophobic ako. Takot akong walang kasama lalo na sa mga pampublikong lugar. Noong college ako mas gugustuhin ko ng magutom kaysa kumaing mag-isa sa cafeteria. O kaya ay sa kotse ako kakain. Nakakalungkot kasi kumain ng mag-isa lalo na sa lugar na tumpukan ang mga barkadang kumakain at nag-chichikahan habang breaktime. Sa mga events naman hindi ko kayang dumalo ng walang kasama, kundi ay nagpapanggap ako na may kausap sa telepono o ka-text at nagdadasal na sana ay lamunin na lang ako ng lupa kaysa magtagal doon.

Siguro ang natatanging pagkakataong nag-iisa ako sa school ay kapag nasa library at nagre-review sa isang solong cubicle. Pero nang magkaroon ako ng matinding pananampalataya at ng solid relationship with God, natuklasan kong ang pag-iisa ay pinaka-relaxing at pinakamasayang bahagi ng aking araw.

May ligaya pala sa pagkaing mag-isa. Pagmuni-muni habang nanonood at nag-oobserba ng mga taong dumaraan. Masa­rap din pala ang hindi puro barkada, puro gawain, puro res­ponsibilidad. Ikaw lang. Date with yourself. Upang isipin ang buhay mo, ang mga plano mo. Magdasal. Kausapin Siya. Be still. Paghinga lang ang tanging ginagawa mo.

Marahil ang isa sa mga misconception o maling konsepto ng mga tao ay kapag mag-isa ka ay malungkot ka. Being alone does not mean being lonely. Magkaiba iyon. Kaya huwag magkamaling hanapin ang kaligayahan sa pagkakaroon ng relasyon o pa­giging laging nasa mga handaan at mga party. It is easy to lose yourself in a crowd. Kailangan mo ring maging mag-isa upang mas makilala at mas mapahalagahan ang iyong sarili. Hindi dapat nakatali o binabatay ang iyong self worth sa kung ano ang tingin ng mga tao sa iyo. Kung minsan kasi dahil sa takot nating mapag-isa o matawag na nag-iisa ay tinitiis nating makapiling ang mga taong hindi naman natin gusto para lang masabing may kasama tayo. Mali! Hindi dapat takot ang basehan ng kahit anong relasyon —mapa-friendship o romantic.

Huwag kang matakot mag-isa. Huwag tumulad sa mga kaibigan mong hindi mabubuhay ng walang party o gimik. Tumatanda ka na kaya dapat ay nagma-mature na rin ang iyong mga goals sa buhay. Imbis na gumigimik, bakit di ka pu-mirmi sa bahay n’yo kapiling ang iyong pamilya? Matapos ay magmuni-muni sa kuwarto mo bago matulog.

Habang walang humpay ang pagsayaw at pag-inom ng mga barkada mo sa club, ikaw naman ay busy sa pagpaplano ng buhay mo.

AAMININ

AKO

HABANG

HUWAG

IKAW

ISA

KAUSAPIN SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with