^

Punto Mo

Saya at ligaya

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

ISANG linggo na lang at Pasko na. Lahat ng tao ay masaya at nagsasaya. Nais kong talakayin ang kaligayahan o ligaya. Ano ang saya at ligaya? Ano ang nakakapagpaligaya sa tao? Saan nakukuha ang tunay na kaligayahan?

Maraming tao ang napaliligaya ng pera, nang materyal na bagay, makapagtapos ng pag-aaral, matanggap sa inaaplayang trabaho, makapagpatayo ng bahay, makapangibang-bansa. Samantalang marami rin ang sa halip ng sandamakmak na pera, maganda at mala-mansiyong bahay, mataas na suweldo, makapaglibot ng mundo ay hindi pa rin masaya.

Ano ang nakakapagpasaya sa iyo? Ano naman ang nakakapagpaligaya sa iyo? Sabi nila ay magkaiba ang joy at happiness. Sa ating mga Pinoy kasi ay iisa lang ang salin natin sa dalawang salitang ito – pareho lang — saya. Pero ani ng mga kapatid nating Kristiyano, malaki ang pagkakaiba ng dalawa.

Ang pagiging masaya, na inaasam nang lahat at sinisikap makamit ay pawang mababaw kumpara sa kaligayahan, dahil ito ay nakadepende sa mga kaganapan at pangyayari. Kapag maganda ang mga nangyayari sa paligid mo, kapag pabor sa iyo, masaya ka siyempre, happy ka; at kapag hindi, malungkot ka. Ang happiness ay temporary lamang, at di kalaunan ay napapalitan din ng kalungkutan dahil nga ang buhay ay parang gulong at dahil nakaangkla ito sa external events. Sometimes you’re up there, sometimes you are happy, sometimes you are sad.

Samantalang ang joy naman ay mula sa kalooban – sa kaloobang Siya ang humuhulma, at hindi nakabase sa pangyayari sa labas ng katawan. Ang taong maligaya ay hindi lamang sa magagandang bagay joyful, kundi maging sa mga hindi nangyayari, hindi nangyari at hindi mangyayari – pati sa kabiguan. Mangyari man o hindi ang inaasam nila, nananatili silang masaya at peaceful. Anang mga Kristiyano, ang joy ay di tulad ng happiness na panandalian lamang dahil may pagkasagrado ang salitang joy habang mas makamundo ang happiness.

Kung ang happiness ay nakadepende sa mundo at mga pangyayari rito, ang joy ay nakahilig sa Diyos – sa kumpletong pana­nalig na anuman ang mangyari, ang lahat ay maisasaayos at para sa ikabubuti mo, ano pa man ang sapitin mo. Para bang, kahit anong mangyari ay hindi ka mag-aalala dahil naniniwala kang Siya ang nagpapagalaw ng lahat sa buhay mo at hindi ka Niya isasabak sa hindi mo kakayanin. He has your best interest. Tipong na-traffic ka na, naaksidente ka pa, nasisante ka, nawalan ka ng trabaho, may ligaya pa rin. At peace ka pa rin. Bihira ang ganitong mga tao. Sila ang mga pinaka-masasaya.

Ngayong magpapasko, sa­mantalahin natin ang panahon upang pagnilayan ang pagi­ging maligaya dahil ang tunay na ligaya ay sa Kanya lamang nanggagaling.

At dahil kaarawan Niya ito, nararapat magbigay-pugay tayo.

 “Happiness is a state of mind. But joyfulness springs from the heart.”

 

ANANG

ANO

BIHIRA

DAHIL

KRISTIYANO

NIYA

SAMANTALANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with