28 calamansi bago mag-almusal?
ILANG food bloggers ang nagsabi na maganda raw inumin ang calamansi juice bago mag-almusal. Isang paraan ito upang ma-flush ang lahat ng “waste” sa ating katawan. Ngunit dito lang sa food recap.net ako nakabasa ng malinaw na paliwanag kung paano ang paraan ng “cleansing” gamit ang calamansi juice.
Isang oras bago mag-almusal, uminom ng calamansi juice mula sa katas ng 28 piraso. Ang sa akin lang, masyadong maasim ito para sa first time na iinom. Purong juice kasi. Base sa aking experience, mas mainam na ihalo ang juice sa isang basong maligamgam na tubig. Kung maligamgam ang tubig, magkakaroon ito ng kakayahang buwagin ang fats sa bituka para tuloy-tuloy na lumabas sa katawan. At saka kung may tubig, nababawasan ang asim. Ang isang option upang ma-enjoy mo ang calamasi juice, haluan ito ng one tablespoon honey.
Ayon sa nabasa ko, ang ilan sa magandang epekto ng calamansi diet ay regular bowel movement at natanggal ang migraine. Gawin ang calamansi diet araw-araw.
Ang iniinom ko tuwing umaga bago mag-almusal ay lemon juice dahil sobrang “sharp” ang asim ng calamnsi juice kumpara sa lemon. At saka kumakalma ang kalooban ko kapag nakakaamoy ako ng lemon scent. Pagkaraan ng isang buwang pag-inom, natanggal ang allergy ko na umaatake tuwing umaga. ‘Yun bang nangangati ang ibabaw ng aking ilong at hatsing nang hatsing dulot ng “morning dust”. Hindi na rin tumataas ang aking blood pressure.
Mga dapat tandaan ng mga taong ‘love’ kumain ng itlog:
Kung kakain ka ng itlog, iwasan mong kumain ng fatty foods upang hindi na madoble ang cholesterol na ikakarga mo sa iyong katawan.
Ang puti ng itlog ay kinapapalooban lang ng protein at tubig. Wala itong cholesterol.
Huwag kumain ng itlog araw-araw. Kapag napasobra ang pagkain ng itlog, lumalaki ang tsansang magkaroon ng Type 2 diabetes.
Dapat ay makunsumo ang itlog sa loob ng dalawang linggo matapos itong bilhin.
- Latest















