Bong Go: Pondo ng publiko, babantayan ko!
MANILA, Philippines — Nangako si Senator Christopher “Bong” Go na patuloy niyang babantayan o poprotektahan ang pampublikong pondo at titiyakin ang reporma sa kalusugan, partikular ang mabilis na access sa abot-kayang serbisyong-medikal para sa lahat ng Pilipino—lalo na sa mahihirap at marginalized.
Sa isang panayam, binigyang-diin ni Senator Go na sa panibagong mandato na natanggap niya mula sa mga botante, tuloy ang kanyang pokus sa mga reporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) gayundin sa pagpapalawak ng access sa kalusugan sa buong bansa.
“Babantayan ko po itong PhilHealth dahil naniniwala po ako, ang PhilHealth po ay para sa health hindi negosyo ‘yan… insurance ‘yan na mayroon tayong masasandalan kapag nagkasakit lalo na ang mahihirap”, wika ni Go.
Matatandaan na dahil sa kanyang mga pag-uusisa, nangako ang PhilHealth na paghuhusayin ang benefits package sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa, tulad ng mga karamdaman sa puso, diabetes, at sakit sa baga.
“Gusto ko magtrabaho na tayo.Tapos na ang election, let’s buckle down to work. Mas kailangan po ng mga kababayan natin na magtrabaho na ang mga lider”, pagwawakas ni Go.
- Latest