^

Police Metro

Bong Go, no. 1 sa Arkipelago Analytics poll

Pang-masa
Bong Go, no. 1 sa Arkipelago Analytics poll
Tumigil saglit ang convoy ni Senator Bong Go nang makita ang isang batang lalaki na nagtitinda ng turon at banana cue para pagkayawin ang mga ito at makapagmeryenda sa Cainta, Rizal.

MANILA, Philippines — Lalong tumibay si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang pangunguna sa pre-election survey, ilang linggo na lang bago ang 2025 midterm polls.

Sa pinakahuling senatorial preference survey na isinagawa ng Arkipelago Analytics mula Abril 7 hanggang 12, nakakuha si Senator Go ng pinakamataas na 64% voter preference, na naglagay sa kanya sa Rank 1 ng senatorial contenders.

Ang resulta ay kagaya rin ng iba’t ibang independiyenteng survey sa nakalipas na ilang buwan, nagpapahiwatig ng malalim na pagtitiwala at malakas na suporta ng publiko sa mga adbokasiya ni Senator Go, partikular sa kalusugan, kabataan, palakasan, katatagan sa kalamidad, at pagbibigay ng serbisyo sa grassroots.

Matatandaan sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Marso 23 hanggang 29, nanguna rin si Go sa nakuhang 61.9 porsiyento ng mga botante.

Nagmarka ito ng tuluy-tuloy na pagtaas ng kanyang rating, mula noong Pebrero 2025 na 58.1 porsyento at sa pagitan ng pangalawa at pangatlong puwesto na 50.4 porsyento. Sa hiwalay na senatorial preference survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) at kinomisyon ng Stratbase mula Abril 11 hanggang 15, muli siyang nanguna sa naitalang 45 porsiyento. Siya rin ang namayagpag at patuloy sa pagtaas sa Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Marso 18 hanggang 24 na 64 percent, 62 percent noong Pebrero at 58 percent noong Enero.

CHRISTOPHER “BONG” GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with