7 katao minasaker sa Antipolo

MANILA, Philippines — Kapwa mga natagpuang patay ang pitong katao na tadtad ng mga saksak sa katawan sa loob ng isang bakery sa Brgy.Cupang,Antipolo City, Rizal, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Col. Felipe Maraggun, Rizal police director, ang isa sa mga nasawi na si alyas Joan, bakery owner, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng anim nitong tauhan.
Habang kusang loob na sumuko sa pulisya ang suspek na kinilalang si alyas Bogart.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-12:00 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang mga biktima sa sopa at iba sa kuwarto nang pasukin ni Bogart ang mga ito ay pinagsasaksak gamit ang kutsilyo at balisong.
“Nakapanlaban naman sila kaso madilim. Pinatay ko ‘yung ilaw,” kuwento ng suspek.
“Lahat sila lumaban. Kaso lang lamang ako kasi ako ‘yong nakahawak ng kutsilyo. Kaya bawat lapit nila sa akin tamaan sila tapos no’ng nahiga na silang lahat doon ko na sila pinalo. ‘Yong may gumagalaw pa.”
“Kung hindi lang sana nila ako pinagplanuhang patayin sa unan para sabihin nila sa asawa ko na namatay ako sa bangungot hindi sana ito nangyari,” saad pa ng suspek.
Nabatid na ang suspek ay kahati sa negosyo ng may-ari sa bakery at posibleng nagkaroon ng hindi pagkaunawaan.
- Latest